LAGING PUYAT

12weeks na po ako pero palagi akong puyat what I mean night owl po ako. Sa umaga po ako tulog. Kahit di pa ako buntis lagi po akong gising sa gabi kahit anong pilit ko di ko mabago yung body clock ko. Malaki ba magiging epekto nun sa baby ko? Sino kaparehas ko? Please respect.

13 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mas maganda pa rin na gabi matulog. Matagal din ako makatulog 12AM dahil na habit ko na at ang hirap talaga makatulog momsh dami sakit2 sa katawan hitap makahanap ng comfortable position lalo na't 7mos na ko ngayon, basta I make sure straight tulog ko bahala tanghali na magising 😆 Makapal na kurtina ginagamit ko para kahit umaga na parang gabi pa rin ayun aabot talaga ng 11AM saka gigising. Natutulog din ako after lunch kapag antok na antok so far OK nman BP ko (tataas po BP if kulang sa tulog) Wala nman po epekto kay baby basta sapat lang na tulog like more than 8hrs po dapat

Magbasa pa

night shift din po ako and 13 weeks preggy. Sabi ng OB ko, ok lang daw mag work sa gabi basta hindi heavy ung workload and most importantly, hindi paiba iba ung sleeping patterns. Dapat, kung night shift ka, try your best na matulog ng same time during the day and do your best na maka reach ng 6 to 8 or mas ok kung kaya ng up to 10 hrs ng sleep. Syempre sasabayan ng vitamins at healthy diet.

Magbasa pa

same here mga mommies 13weeks na po sanay din sa puyatan hindi ako mkatulog ng maaga khit anong pilit ko.. tska alanganing oras kase ako nagugutom minsn 1am 2am or 3am kaya din siguro d ako makatulog ng maaga .pero nagpasa ko ng Lab test ko.. normal naman lahat ng results..for me ang hirap magbago ng body clock.. ok namn daw c baby ,malakas na din ang heart beat nya...

Magbasa pa

May epek yon sa baby mi,pati den naman sayo, nagdedevelop ang katawan habang tulog sa gabe kaya kahit ilang oras mo gugulin sarili mo sa pagtulog ng umaga wala pading ttalo paggabe tlga matulog,wag mo nako gayahin hehe mula 1st tri ko lagi den akong puyat gang ngayon nasa 3rd tri nako,kulang ako sa hemoglobin pero bp ko mataas kakapuyat den daw tlga

Magbasa pa
2y ago

May nireseta namn sakin mi Na gamot kaso dko na rn nabili iberet sya Kaya lng ung iniinom ko ngaun Anti anemia ferrous sulfate bigay lng ng biyenan ko

Ako naman po nung 1st tri ako, bale mga 11pm na ako nakakatulog, tpos maaga ako nagigising then 1pm tulog ulit hangga 4pm po ayun biglang bagsak bp ko and ang putla ko na napagalitan pa ako sa center 😅 dami tuloy niresetang vit.

ako 32 weeks and 4 days na ako.. nahihirapan parin talaga ako matulog ng maaga sa gabi.. kaya kada umaga hanggang tanghali tulog pa ako hahaha.. normal din lahat kay baby base sa ultrasound niya last month

mag gatas kna lang po sa gabi, hanggat maari wag nyo napong abalahin ang mata nyo sa cp or anything na mkaka gising pa,, magkinig ng lovesongs or nkaka antok na music,, epektib sakin un

Nung buntis ako, working ako ng night shift tapos sa umaga di din ako masyado nakakatulog pinakamatagal na siguro 6 hours haha. As long as complete vitamins, ok naman

ako po mula 1st baby hanggang s pinagbububtis ko ngaun puyat ako 😭🤣 ok nmn mga anak ko. saka kasi trabaho ko now call center kya lalong puyaters

same 11weeks pag pasok ng 7weeks hirap na hirap ako matulog sa gabi , makakatulog ka maya maya maiihi ka nman hirap nnman ulit maka balik sa tulog