Sobrang nagkicrave sa kape.

10weeks here. Sobrang nagkicrave ako sa kape naiiyak na nga ako halos. Bawal ba magkape hanggang makapanganak?

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pwede magkape momshieeee. Tho iwas mo lang sa first tri kasi nakakatrigger sya ng acid, baka magsuka ka. Wag lang lalagpas sa normal range ng coffee kasi pwede maging reason yun para maging maliit si baby sa age niya (small for gestational age). Ako kasi sobraaaang hilig ko sa ice coffee kahit bago pa ako magbuntis at talagang di sya nawala gang ngayon. Naglimit ako ng first tri, patikim-tikim then pag dating ng second tri di na ako nagpigil pero mostly decaf lalo na halos araw-araw talaga ako. Usually skin brewed or bibili na lang para madecaf or gumagawa ako ng sarili kong cold brew para mababa sa acid. Healthy pregnant naman ako now in 34 weeks na 😊

Magbasa pa

Mahilig dn ako sa kape. As in yung black coffee. Ang sarap ng amoy lolz 😅 Anyway, got rid of it for now coz I remember one sis-in-law na mahilig sa kape and starbucks hahaha (not saying masama mag starbucks 😬) She had stillbirth and at 8 months the baby died in her stomach. There maybe other reasons but un kasi natatak sa isip ko... #justsharing

Magbasa pa

nag limit ako nun first tri nung preggy ako, but after mga 1st tri umiinom ako mga once or twice a day pag di ko mapigilan hehe basta sa monitoring hindi naman affected ang paglaki ng baby mo. as per my OB and google 1cup a day is okay 😊 sabi nila nakakapigil daw ng growth yun coffee pero yun baby ko is 3.2kgs nung lumabas 😂

Magbasa pa

Kaka-inom ko lang ng Iced Coffee na Kopiko Brown kanina mii. Pwede nman po kayo uminom,sabi po ng OB ko wag daw pipigilan ang cravings kase kung gusto mo ng kape it means gusto din ni Baby. Basta in moderation lang po,kalating baso or hanggang 1 cup lang,wag din po yung kape na sobrang tapang.

VIP Member

Pwede naman limit lang ng 1cup a day. Brewed coffew yung inallowed ni ob saken since yung 3in1 is mataas sa sugar. Okay si baby, super okay and super kulit.

pwede nMan mamsh. basta 1cup a day lang. ako mahilig din sa kape kaya tinanung ko si ob ko pwede naman daw..

Pwed but 1 cup, and kapag nag drink ng coffee no more caffeine intake like chocolates or softdrinks po.

Sabi ng ob ko ok lang atleast 8oz lang in a day. Avoid 3 in 1 coffee mas maraming sugar content pa un.

Ang ginagawa ko hinahalo ko sa gatas tapos onting kape para lang maamoy at masatisfy cravings ko.

pwede naman you can do a research about it igoogle mo.