Malapit na

10days nalang due date ko na pero parang wala pa balak si baby lumabas. 38weeks 4days na ko pero normal na normal parin nararamdaman ko. Walang kahit na anong discharge, walang sakit sa puson o balakang. Nagwalking naman ako at squat ginagawa ko na ngang umaga at gabi pero ganun padin. Ano pa kaya pwede ko gawin #1stimemom #advicepls #FTM #october #babyboy

Malapit na
20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako nga po momsh 39 weeks & 2 days ko na ngayon e ayaw parin lumabas ni baby. Panay exercise nga din po ako e tsaka nag saquat din ako. Sumasakit sakit lang yung puson ko tapos nawawala then babalik na naman ganun lang pero wala pang lumalabas na discharge sakin. Nag aalala na nga po ako e gusto ko na lumabas si baby kasi lagi ko naman sya kinakausap. #1sttimemom

Magbasa pa
4y ago

pero momsh mimi lus mbaba nba si baby mo ?

Same tayo momsh.. Oct 1 EDD ko. Nagpprimrose na ko ngayon, walking, squatting, luya na pinakuluan, pineapple juice, pineapple fruit.. Yan na mga nagawa ko, may hilab minsan pero nawawala din. May konting white discharge after walking.. And sabi sakin 1cm na daw. Praying na makaraos na tayo 🙏🙏

Magbasa pa

Ako nga po wala pang balak yata lumabas s baby due Date kona bukas wala pang sign of labor.tas kakaie lang sakin kanina dipa daw bukas ung cervix ko nakaka 😢. lang isipin hinug nadaw placenta ko.kung di parin daw to lalabas this week mapipilitan sila turokan ako ng pampahilab. kaya Sana maenormal ko si baby.

Magbasa pa
4y ago

hmm baka masyado mo kase prinipressure sarili mo momsh ako kase di naman ako nag exercise mindset ko lang sana maipanganak ko ng due nya tas kumain lang ako nun pinya kase may napadaan nag worried talaga ko ng sumakit tas nag nipis na pala kukusa din mag open yan wag mo lang istressin sarili mo at e pressure.

try nyo po luyang dilaw na pinakuloan w/ lemon and honey kahit yun na po gawin nyong tubig sabi ng ob ko masmabilis n lalambot ang cervix. 38weeks & 6days na ako at kakaie lng sakin kanina 1cm pa lng kasi now pa lng ako pinagstart ng primrose

Ako turning 36weeks na pero parang araw2x na ako nag llebor.. Mayat maya na sakit ng blakang at paninigas ng tyan ko.. Kaya advice skin bedrest.. Hindi nrin ako sinabihan na mag lakad lakad pa para hindi agad lumabas si baby😔

Magbasa pa

patuloy mo lang momsh.. ganyan din ako ee.. now ng lelabor na hahaha bgla nlng kanina umaga sumasakit na puson ko tsaka balakang.. kausapin mo rin si bb mo.... lalabas din yan.. makakaraos n rin ako tonight..😊💪

Sabi Po sa YouTube n napanuod ko inom daw Po Ng pineapple juice,, o Kaya luya na pinakuluan isang baso ganun,, tpos Po mga spicy food.. research Po kau din para mas malaman nio kng ano dapat gawin..

wag kang mag worry mommy, ako din at 38weeks walang nararamdaman na kahit anong signs of labor pero sa IE ko kanina with my OB 2cm na ako at very soft ang cervix so anytime pwede na daw mag labor.

last visit ko sa OB , ni resetahan ako ng prime rose oil. pampa lambot daw yan ng cervix at pa early labor... try ask your OB at mag ask about prime rose oil... 😊 38 weeks and 0 day n ko today

same lang tayo momsh. 10 days na lang din sakin pero pakiramdam ko ayaw pa ng baby ko lumabas. tamad din ako mag kikilos. sabi namn ng iba kahit wala kang gawin lalabas at lalabas ang baby mo.