1 Replies

VIP Member

MAYROON BANG MGA BAGAY NA BAWAL SA BREASTFEEDING MOMS? Technically wala namang bawal na pagkain unless may makita kang reactions kay baby kagaya ng rashes, allergies, kabag, pagiging iritable, at iba pa. Kung may history din ng allergy ang pamilya to certain types of food lalo na sa malalansa, mas makabubuti kung iiwasan ang mga ito dahil mataas ang chance na magka allergy din dito si baby. Kung pag-uusapan naman ang lasa, wala ding bawal. Pwede ang mainit, malamig, maligamgam, maalat, matamis, mapait, maasim, at maanghang. May bawal bang inumin? Wala rin kung pag-uusapan ay yung mga karaniwang drinks. Pwedeng uminom ng softdrinks, iced tea, juice, kape, at pati alak. Pero syempre dapat hinay hinay lang. Kung iinom man ng mga pampa-sexy o slimming chorva, better consult your OB. Pampaganda o pampaputi, bawal ba? Depende sa ingredients ng sabon o pamahid. Kung sure na safe naman ang ipapahid sa katawan, make sure lang na huwag lalagyan ang nipples at breast area dahil nakaka-dry yun ng balat. Kung hindi sigurado sa gagamiting produkto, konsulta na sa OB para makasigurado. Rebond at hair color, bawal ba? Pwede naman pero iwasan lang ang may ingredients na formaldehyde dahil baka maka-apekto kay baby. Advice lang, kung naglalagas ang buhok o may postpartum hairfall, hintayin nalang munang matapos para di makalbo o mapanot. Isa pa, huwag isasama si baby sa salon ha? Bawal kasi niyang maamoy ang gamot dahil matapang. Bunot ng ngipin, bawal ba? Pwede. Safe naman ang mga gamot na ginagamit at maraming gamot ang compatible sa breastfeeding. Kailan pwede? Humingi ng go signal sa OB. Magpa-tattoo, bawal ba? Pwede. Just make sure na sterile ang karayom para di ka maimpeksyon. Kung kailangan mo namang mag-donate ng dugo, maghintay muna ng 1 year. Ano pa ba? Magpasuso kapag pagod, bagong ligo, o kapag katatapos lang maglaba. Magpasuso kapag nahamugan o naulanan ka. Magpasuso kapag maysakit ka. Maligo kapag gabi. Magtaas ng kamay kapag tulog. Magpasuso kahit gutom. Lahat yan pwede. Uminom ng gamot pwede ba? Depende kung compatible sa breastfeeding kaya dapat i-check lagi sa e-lactancia.org Pwede ba ang pills? Oo, pwede. Pero better ask your OB for pills that are safe and compatible with breastfeeding. Also, iba iba ang effect ng pills sa bawat isa kaya mas maiging kumonsulta. Pwede bang magpasuso kapag buntis ka? Pwede kung hindi naman maselan ang pagbubuntis mo. Mag-aagawan ba ang bata sa tiyan mo at ang sumususong sanggol? Hindi po. Pagpapasuso kapag matagal na hindi nasusuhan ni baby? Pwedeng pwede dahil hindi napapanis ang gatas sa loob ng suso. Pwede bang magpasuso kapag naninigarilyo? Masama ang paninigarilyo nagpapasuso ka man o hindi. Bukod sa napapahamak ka, napapahamak din ang mga tao sa paligid. Pero kung tatanungin, mas magandang magpasuso kaysa mag-offer ng formula ang naninigarilyong ina. Hangga't pwedeng umiwas sa sigarilyo, iwasan na. Nakakahina din ng gatas ang paninigarilyo. Sana ay klaro na ito sa atin mga padede moms. Halos walang bawal pero kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat. 😊

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles