Gusto ko ng mamatay

1 week pa lang simula nung manganak ako pero ayoko na. Hindi sa ayoko na sa baby ko, pero ayoko na sa nararamdaman ko. Dahil hindi ko kinaya ang normal delivery, mamatay-matay na ako sa sakit kasi induced labor, inatake pa ako ng hika, kaya na-emergency CS ako. Wala tuloy akong silbi ngayon. Ni breastmilk ko non-existent. Kahit anong latch o pump, wala talaga. Lahat na ng supplemeny, hilot, sabaw, ginawa ko na. Araw-araw na lang akong may lagnat, pero okay naman daw yung tahi ko sabi ng doctor. Napakawalang-silbi ko. Kaya siguro yung opinyon ko, walang nakikinig. 1 week pa lang baby namin pero yung asawa ko at nanay ko, gusto painumin ng 2-3oz ng formula milk yung anak ko. Ayaw ko kasi nung isang beses na ginawa nila yun, nagsuka na, dumumi pa ng tubig. Tapos ngayon nagagalit sila kapag umiiyak si baby kasi ginugutom ko raw. Baby ko yun. Bakit ko gugutumin? E hindi nga kaya ng tiyan ni baby yung ginaginawa nila? Porket nag-suck, gutom agad? Kahit kakadede lang? Sunod-sunod na padede ng more than 1oz sa baby ko. Hindi ko na alam gagawin ko. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Ang sakit sakit ng buong katawan ko, pero mas masakit na maramandamang nag-iisa lang ako. Sana namatay na lang ako nung nanganak ako.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Mamsh, wag kang ganyan. Kaya mo yan! Think positive ka lang palagi. Mas makakasama sayo pag stress ka, mas sasama ang pakiramdam mo at wala kang mapproduce na milk. Magpagaling ka para maalagaan mo si baby. Pray Mamsh! πŸ™