2 Replies

ganyan din baby ko pero tyagaan lang at tiniis ko talaga since sabi ko nga minsan lang sya na ganun kaliit at ganun kaclingy sakin, until 2months sa dibdib ko sya lagi nakakatulog then pag himbing na himbing na as in parang noodle na yung braso nya pag hinawakan mo (try mo ibaba yung braso), nailalapag ko sya, sa umpisa saglit lang gising na agad, pero habang tumatagal, humahaba na yung pagitan na magigising sya pag nailapag ko, now going 4months na, kaya na nya'ng 4-5hrs tulog sa bed nya, iingit na lang pag dede na saka ko lang bubuhatin ulit at tulog ulit sya after 30mins ng dede baba ko ulit, another 4-5hrs ulit yun. kaya total 10hrs minsan abot pa ng 12hrs tulog nya with feedings in between. sanayin mo lang unti unti. tyagaan lang talaga yan.

thank you momsh

Ako ginagawa ko pag buhat buhat ko si baby sa braso ko, hihiga ako na na parang buhat buhat kk parin sya. Kaso ang daming support ng unan sa braso ko, para di mangalay, para habang tulog sya, tulog rin ako. Haha Kase pagbinababa ko sa crib nya ayaw nya kase flat lang higaan, gsto nya lage nakaelevate yung ulo nya. Nakakatulog rin ako mahimbing kahit walang galaw2 😂comfortable din si baby kase parng yakap2 ko parin sya. sabe ng MIL ko baka masanay si baby sa ganyan, eh syempre mas pipiliin ko yung nakakatulog at pahinga rin ako.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles