Paano po ang procedure pag i mixed feed na ang baby?pa unti na lang po kasi ang gatas ko..
1 month and half na ang baby ko

Momsh paano mo nalaman onti nalang breastmilk mo? Kmusta poops at wiwi ni baby madami naman po ba? sure ka po ba na mag mixfeed ka? Ayaw mo palakasin ang milk mo? Once nag start ka mag mixfeed lalo hihina gatas mo.. Kung gusto mo talaga mag mixfeed dapat yung bottle mo ai breastfeeding friendly meaning di dapat magkakanipple confusion si baby mo.. Try mo Pigeon Wideneck Soft touch o kaya Avent Natural bottles basta lagi lang dapat yung pinaka #1 yung pang newborn nipples kahit na lumaki na si baby kasi the more na malakas labas ng gatas lalo yan di sayo dedede na.. Btw uulitin ko po hihina lalo breastmilk mo once mag introduce ka ng formula.. Kasi ang gatas ng nanay law of supply and demand.. Kung ako sayo mas tututukan ko palakasin ang milk ko.. Unlilatch lang at keep yourself hydrated at continue mo lang malunggay cap mo maganda din m2 malunggay.. Pero choice mo yan mommy. -4mosEBFmomhere
Magbasa pa