1. Diphtheria (Ang ‘D’ sa DtaP na bakuna)
• Kasama sa mga palatandaan at sintomas ang makapal na nakabalot sa likuran ng lalamunan na nagpapahirap sa paghinga.
• Ang diphtheria ay maaaring mauwi sa mga problema sa paghinga, pagkaparalisado at pagpalya ng puso.
2. Tetanus (Ang ‘T’ sa DtaP na bakuna; kilala rin bilang Lockjaw)
• Kasama sa mga palatandaan at sintomas ang masakit na paghihigpit ng mga kalamnan, kadalasang sa buong katawan.
• Ang tetanus ay maaaring mauwi sa paninigas ng panga na maaaring magpahirap sa pagbuka ng bibig o paglunok.
3. Pertussis (Ang ‘P’ sa DtaP na bakuna, kilala rin bilang Whooping Cough)
• Kasama sa mga palatandaan at sintomas ang bayolenteng pag-ubo na nagpapahirap sa sanggol na kumain, uminom, o huminga. Tumatagal ang mga atakeng ito nang ilang linggo.
• Ang pertussis ay maaaring mauwi sapneumonia, mga seizure, pinsala sa utak, o kamatayan. Ang pertussis ay maaring maging mapanganib sa mga sanggol.
4. Hib (Haemophilus influenzae type b)
• Maaaring kasama sa mga palatandaan at sintomas ang lagnat, pananakit ng ulo, stiff neck, pag-ubo, at kakapusan ng paghinga. Maaaring walang anumang palatandaan o sintomas sa mga banayad na kaso.
• Ang Hib ay maaaring mauwi sa meningitis (impeksyon sa utak at mga nakabalot sa spinal cord); pneumonia; mga impeksyon sa tenga, sinuses, dugo, kasu-kasuan, buto, at hilatsang nakabalot sa puso; pinsala sa utak; matinding pamamaga ng lalamunan, na nagpapahirap sa paghinga; at pagkabingi.
5. Hepatitis B
• Kasama sa mga palatandaan at sintomas ang pagka-pagod, pagtatae (diarrhea) at pagsusuka, jaundice (paninilaw ng balat o mata), at pananakit ng kalamnan, kasu-kasuan at sikmura. Ngunit karaniwang walang anumang palatandaan o sintomas.
• Ang Hepatitis B ay maaaring mauwi sa pagkasira ng atay, at kanser sa atay. Ang ibang tao ay nagkakaroon ng chronic (pangmatagalang) na impeksyon ng hepatitis B. Maaaring hindi mukhang may sakit o nakararamdam na may sakit, ngunit
maaari silang makahawa ng ibang tao.
6. Polio
• Maaaring kasama sa mga palatandaan at sintomas ang mala-trangkasong lagnat, o walang anumang sintomas na lalabas.
• Ang polio ay maaaring mauwi sa permanenteng pagka-paralisado (hindi maikilos ang braso o paa, o kung minsan ay hindi makahinga) at kamatayan.
7. Pneumococcal Disease
• Kasama sa mga palatandaan at sintomas ang lagnat, pangingilig, pag-ubo, at pananakit ng dibdib. Maaaring kasama sa mga sintomas ang meningitis, seizure at minsan pamamantal sa mga sanggol.
• Ang pneumococcal disease ay maaaring mauwi sa meningitis (impeksyon sa brain at mga nakabalot sa spinal cord), mga impeksyon sa tenga, sinus at dugo,pneumonia, pagkabingi, at pinsala sa utak.
SOURCE: www.immunize.org
#pregnancy #1stimemom #firstbaby #ProudToBeABakuNanay #AllAboutBakuna #TeamBakuNanay #HealtierPhilippines #VaccinesWorkforAll #TAPVIPInfluencer
#tapviparent #TAPVIP #vaccine #Bakuna #immunizations