#ProjectSidekicks: The Importance of Sleeping on Your Side During Pregnancy
This coming September 28, magkakaroon ang theAsianparent ng webinar para sa mga buntis tungkol sa kahalagahan ng pag-tulog ng buntis sa left side. Hosted by Ciara Magallanes, makakapanayam natin sina Dr. Kristen Cruz-Canlas, OB-GYN, at Dr. Bernadette Anne Cruz-Austero, anesthesiologist. May tanong para sa OB or Anesthesiologist natin? POST YOUR QUESTIONS NOW! Pipili kami ng mga tanong dito sa app at sasagutin ng mga doctors natin during the Facebook Live webinar. WHEN: September 28, 2020 | 7pm WHERE: The Asian Parent PH Facebook page https://www.facebook.com/theAsianparentPH Kitakits, mommies!
#AskDoc Nung 7mos going to 8mos po ako nagstart napo sumakit ang pelvic bone ko. Up to now 33 weeks napo ganun parin. Kapag matutulog ako ng nakatagilid left or right man, hirap po akong gumalaw lalong sumasakit ang pelvic bone ko. Sa ngayon po mas comfortable po ako matulog ng nakatihaya at naka level up ang back at head ko naavoid po kasi nito yung ganitong posisyon para di po sumakit ang buto ko. Ok lang po ba yun kay Baby? Ano po mga dapat gawin para mabawasan po ang sakit sa pelvic bone? Maraming Salamat po. Sana po mapili nyo po ang tanong ko. God bless po 🙂
Magbasa pa#AskDoc 29 weeks. Baby is always on my left side. Hirap matulog kasi andun siya (feeling matigas) so i have to switch on my right. But everytime nalang sa right side ako nakasleep magigising ako sa tummy pain lining from top tummy to lower abdomen.. not sharp pat like a line. Pag change position ko ok naman. Ano kaya iyon? Baby's kicks always lower abdomen mostly left side bihira sa right side.never sa taas... woried about baby's position.pero sa ultra sound cephalic naman.. is there a problem with my baby's movement? Why laging lower amd leftside only?
Magbasa pa#AskDoc Good day po! Hindi ko po talaga kaya uminom ng tablets/capsule or any vitamins. Na-iistuck po siya sa lalamonan ko and worst is nasusuka ko lagi. Im on my 34th week now, and bilang lang po nainom ko. Siguro mga 30 tablets pa lang po naiinom ko not consistent. Pinipilit ko lng po uminom. Pero binabawi ko naman po sa pagkain ng prutas and gulay. Bihira lang din mag white rice, oatmeal lang po dinner ngayon nag 3rd trimester ako. Ano po kaya effect ni baby pag hindi ako umiinom ng vitamins? Normal naman po lahat ng lab results ko and hemoglobin ko.
Magbasa pa#AskDoc im 34weeks pregnant po 5mos. palang lagi na may pressure sa pelvic ko up to now hirap ako lumakad minsan or tumayo or magpalit ng pwesto normal lang poba yun? also breech parin po si baby meron paba ako magagawa para mag cephalic na siya? Left or right side ako nahiga lagi depende kung saan ako comfortable pero lately hirap nako makatulog and ang pwestong nakakapagpatulog sakin is nakatihaya ako or right side talaga ano po effect non kay baby?
Magbasa pa#AskDoc Hello! Good day po. Doc. Normal lang po ba na palaging feeling ko masakit at nangangawit yung right side ko? Yung bandang ribs po. I also used to slept on my left side. Pag nangawit po. I will turn right. Then I'll go back left side position hanggang sa makatulog napo. And kahit po nakaupo ako pag medyo matagal nakakangawit. Sumasakit buto ko. Normal po ba makaramdam nun? Thankyou & Stay safe po.
Magbasa paI'm on my 32nd week po.. these past few days po, nagsasakit po ang ulo ko.. i tried to get my bp po and it read 140/90... ngayon langpo nangyari na tumaas ang bp ko sa 120/80... i messaged my OB po and she instructed me to take Amvasc 5mg once a day.. is there anything I can do po to survive delivery? worried lang po ako... thank you po..
Magbasa pa#AskDoc. Tanong kulang po doc. Ok lang po ba na nkatihaya po paminsan minsan kasi po sumasakit po yung likod ko pag sa left side lang po.. Minsan nman po right side ako humihiga.. Kasi parang mas comportable nman ako sa right side.. Ok lang po ba yun doc? 7mos pregnant na po ako thank you po😊
hi doc kristine and doc Anne tanong lg po ako if normal sa buntis ang nosebleed? thrice na po ako nagnosebleed once in my 2nd tri and twice in my 3rd trimester usually po sa gabe ako inaatake ng NB. normal po ba ito? nung hindi po ako buntis hindi po ako nagkaka NB.sana masagot po ang question ko. thank you po and God Bless.
Magbasa pa#Ask Doc Good day po! I'm currently 33 going 34 weeks na. Napapadalas po kasi ang paghiccups ni baby, minsan 3 or 4 times a day, each naglalast po ng 12-15 mins. Minsan super lakas ng sinok po niya normal lang po ba iyon? Kasi nakakabahala po since ang daming beses sa isang araw sya suminok. Thank you po Doc for the Answer.
Magbasa pasakin po pag ganyan, tatayo ako inom water at onting walk nawawala naman po. :) normal naman daw po hiccups ksi nagppractice na sila huminga ☺️ share ko lang po mommy.
#AskDoc bed rest po ako for a month now due to low-lying placenta, nakakatulong po ba ang left side-lying position para mag-migrate ang placenta? and minsan po nakakangalay din pag laging left side, kaya i switch din sa right, then go back to left again 🙂
Huh?
Queen bee of 3 fun loving cub!