10979 responses
Sa halip na magpa-4D ay nag pa CAS na lang kami (Congenital Anomaly Scan). Makikita pa rin naman itsura ni baby bukod pa dun mas detailed and CAS. kahit na hindi nirequired ni OB ay nag ipon pa rin kami for CAS dahil mas gusto namin makita yung detailed growth development ni baby kung may congenital malformation like bingot, problema sa puso atbp. Ayaw kasi namin na magtake ng risk baka sa paglabas ni baby dun kami lalo mahirapan. mas mabuti na yung malaman namin ng maaga para mapaghandaan kung sakali man. Kasama po ang panalangin after CAS lahat po normal kay baby girl namin na kamukhang kamukha ng daddy nya. lips at kilay lang nakuha sakin. 😂 ngayon 29 weeks na ako at mas palagay na ang loob ko knowing na safe ang baby namin.
Magbasa paNagpa4D ako super excited pa nga since FTM 3600 din bayad dito samen. Tas ngayun narealize ko di pala praktikal. Una, di din naman namen nakita muka ni baby kase ayaw nya ipakita. Nakatakip ung kamay nya sa muka sa buong 4d scan nya 😅 kaya sa next baby ko... pass na ko sa 4d scan. Tama na yung regular ultrasound 😊
Magbasa paMamsh pa share niyo naman po smin ang 4d utz niyo po. Hihi thanks for sharing po.
For me, hindi naman sa hindi kaylangan gustong gusto ko na nga syang makita kahit nasa tiyan ko palang sya kung okay ba lahat sa kanya. Pero yung expenses po kasi, medyo pricey din po ata pag nagpaganyan kaya tiis na lang na maghintay ng birth month po.
gusto ko syempre. natatakot nga ako kasi baka mali ultrasound sakin ng gender. kasi sabi ng doctora parang babae. parang it's mean not sure tapos lahat ng gamit na binili ng mother ko from SG puro pang girl kaya balak ko magpa ultrasound ulit
depende kc mejo can't afford ng budget.. instead n ipang 4D ultrasound ko, idagdag ko nlng sa pmbili ng gamit ni baby.. ok na ako sa ordinary ultra.. basta ang mahalaga nkita ko n wala nman syang problema.. ☺️ be practical lang!
Hindi naman siguro kailangan, as long as alam kong healthy sya and nakikita ko sya sa normal na ultrasound lang I'm satisfied na. Naiisip ko kase kung mag papa-4D ult. ako sa halagang 3k ipang bibili ko na lang ng mga needs nya 😊
Gusto ko Sana, Kaso Sabi ni partner Hindi daw practical, Di Naman ganun Ka accurate din ang itchura. Maganda daw surprise nalang ang paglabas ni baby. Done with CAS, good thing normal Lahat, next ultrasound ko is BPS ultrasound.
Gustung gusto ko po kaso sa mga tinanungan ko na malapit dito, wala silang 3D/4D. Merong may 3D/4D kaso ngayong situation daw, di nila inaallow. Ewan ko ba bakit. Hehe. Hirap pa naman bumyahe kapag sa super layo ang available :(
Dapat magpapa4D kami.. Di naman din kasi inadvise ng OB ko.. Kaya nung ipapagawa na namin.. Sobra na yung weeks ni baby.. Baka hindi na daw makita kasi baka nakaengage na nga daw si baby sa pelvis ko😁
Dapat less than 34 weeks po ata mommy😊
Gusto ko din sana kaso di pa naman inaadvise ng midwife or Ob ko.. nakapagpapelvic ultraspund naman na ko and its a boy..kaya okay na saken un para mas exciting ung surprise kung sinu magiging kamukha.. 🤣
Momsy of 3 bouncy little heart throb