Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Working mom
Dito nalang ako magkkwento. Back to work last January 3, 2023, and i felt so sad and guilty at the same time na hindi ako personally nag aalaga sa lo ko. Nakakaiyak isipin na bakit kasi hindi ako mayaman. 🥺 Sobrang nakakainggit yung mga mommies na until now, exclusively breastfeeding pa din. Ako kasi need ko na magformula kasi halos di ko na maisingit ang pagpump sa work ko. Nakakalungkot na in my more than 3 months of ebf while im on my maternity leave, dati naninigas pa dede ko tuwing gabi sakto pag nauwi ako ng work. Ngayon parang halos hindi na. I envy you, hands on moms. Parang di ako mabuting ina everytime naiisip kong di ako nag aalaga sa baby ko. 🥺🥺 most of the time malungkot at negative talaga naiisip ko. Nilalamon ako ng sarili kong thoughts.
Back to work
Hi mga mi, pano ihandle 'yung nakakalungkot na emotions? By January 3 kasi back to work na ako. As much as I wanted to be a full time mom, daming bills na nakaabang and para din sa future needs ni lo. Any tips din kasi si lo ko sinasanay ko na mag bottle feed kaso pag nagtitimpla ako ng 4 oz may natitira madalas na 2 oz tapos matinding panunuyo at hele muna para lang makadede siya. Ebf kasi ako before. Worried lang na bumaba timbang niya. Sepanx malala kahit uwian naman ako sa work, kaso 8 hrs duty + 5 hrs byahe kasi ako back and forth everyday 😭
Excluton pills
Hi mga mi, ask lang if sino ang excluton pills user here? Eto po kasi binigay sa health center and breastfeeding po ako. Hanggang 6 months lang ba talaga siya pwede gamitin? And in your case, ano po side effects? Thank you.
Infant or toddler?
Hi mga mommies, gusto ko lang itanong if saang part ng motherhood kayo nahirapan sa babies niyo. Nung infant pa na nakakapuyat or toddler na makulit? Survey lang. Thank you 🫶🏽
Normal ba ang pagdede ni lo
Hi mga mommies, ftm po. Normal lang ba maya't maya ang dede ni lo? Breastfeed po ako and sa tingin ko naman malakas ang gatas ko kasi may times na nagkukusa na siya tumulo. Nagwoworry lang ako if normal pa ba to sa lo ko? Turning 1 month palang siya, 1 week nalang. Thank you.
Kelan magiging gabi ang sleeping schedule ni baby?
Hi mga mommies! I'm a first time mom po, and sa totoo lang ang laki pa din ng adjustment ko. My son is now 9 days old, I just wanted to ask if kelan magiging gabi naman yung sleeping schedule nila? Alam ko normal magpuyat lalo't may lo na ako, kaso baka makasama naman din sa health lalo't nagpapagaling pa ako dahil cs delivery ako. More on pahinga daw as per my OB. This is not to rant, just wanted to ask sa mga may experience na jan. Mahirap pala maging mommy, sa totoo lang. Pero kaya natin to!
Not mentally prepared
Hi mga mommies, sa totoo lang, planned naman ang pregnancy ko. Kasi after 8 years of being together with my now hubby, dun palang kami nag-plano mag-baby. Okay naman ako sa pag-bubuntis ko, alaga ng OB at ng partner ko. What i'm not expecting is pagkapanganak ko, di pala ako mentally prepared. Yung late night gising, puyat, palagi ako nalulungkot, i'm torn between pursuing my work or to be a stay at home mom nalang, kasi pag naiisip ko, ayoko mawalay sa anak ko. Tsaka para akong walang silbi ngayon. Naiiyak nalang ako paminsan. Sa financial matter, kaya naman namin ng hubby ko kasi working kami pareho. Maalaga din ang hubby ko. Kasama ko mga kapatid ko. Pero hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko. Please help me 🥺