Kelan magiging gabi ang sleeping schedule ni baby?
Hi mga mommies! I'm a first time mom po, and sa totoo lang ang laki pa din ng adjustment ko. My son is now 9 days old, I just wanted to ask if kelan magiging gabi naman yung sleeping schedule nila? Alam ko normal magpuyat lalo't may lo na ako, kaso baka makasama naman din sa health lalo't nagpapagaling pa ako dahil cs delivery ako. More on pahinga daw as per my OB. This is not to rant, just wanted to ask sa mga may experience na jan. Mahirap pala maging mommy, sa totoo lang. Pero kaya natin to!
Ako momsh normal delivery lng pero pinagbawalan ako ng doctor ko na magpuyat dahil nagkapospartum bleeding ako nung nanganak sinalinan ako nun ng 3bags na dugo. pinagbawalan akong magpuyat dahil baka bumaba nnmn at magkulang dugo ko pero di nmn pwedeng di magpuyat dahil inaalagaan ko baby ko at wala din akong katuwang sa pag aalaga nag aalala ko na baka magkulang nnman dugo ko at maospital nnaman ako sobrang hirap pa nmn sa ospital at di ko din maaalagaan anak ko. mag 1month na baby ko at sana magbago na din sleeping routine nya
Magbasa paSame tayo cs din ako 11 days old na si baby. As per his pedia his sleeping pattern will change around 1month or so. Ask mo si hubby mo about sa schedule ng bantay ni baby. Mga 7 days din kami palitan ni hubby sa pagbantay kay baby. Siya sa gabi until dawn, ako around 5 to 6am ako nagigising.
My work din si hubby. Pero we make sure na magsalitan para makakuha ako ng sleep and rest. Try mo din mag pump, suggestion ni Ob yun samen para sa gabi pag naghanap ng milk my maibibigay kahit sleep ka. Or sa umaga bawi ka ng sleep. Pag sleep si baby sleep ka din.
Wala k ba pde makapalitan sa alaga? Kasi pg newborn tlga ppuyatin k p nyan, kaya ginagawa nmin ako bantay sa gabi tas nanay ko sa umaga, pero aa totoo lang 2-3 hrs lang tulog ko per day, pag nakatulog ako sa hapon or madaling araw, swerte ko n nun 😅
sobrang hirap momsh no? cs din ako 23 days na pero d pa nababago sleeping pattern nya. paiba iba. swertihan na makatulog ng maayos. may postpartum nadin ako nararamdaman
magbabago pa yan mommy. try to do a sleep routine. daytime medyo maingay para aware sya na daytime and sa gabi wag magbukas ng ilaw, use nightlamps and white noise.
thank you mamsh, will do po 🥰