Not mentally prepared

Hi mga mommies, sa totoo lang, planned naman ang pregnancy ko. Kasi after 8 years of being together with my now hubby, dun palang kami nag-plano mag-baby. Okay naman ako sa pag-bubuntis ko, alaga ng OB at ng partner ko. What i'm not expecting is pagkapanganak ko, di pala ako mentally prepared. Yung late night gising, puyat, palagi ako nalulungkot, i'm torn between pursuing my work or to be a stay at home mom nalang, kasi pag naiisip ko, ayoko mawalay sa anak ko. Tsaka para akong walang silbi ngayon. Naiiyak nalang ako paminsan. Sa financial matter, kaya naman namin ng hubby ko kasi working kami pareho. Maalaga din ang hubby ko. Kasama ko mga kapatid ko. Pero hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko. Please help me 🥺

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi, Mommy. Naranasan ko din yan. Akala ko prepared na ako, kahit gaano katino isip mo magbbreakdown ka talaga. Prayers lang Mi. Buti nga po kayo kasama hubs and sibs mo. Ako kasama ko kapatid ko pero bata pa at pumapasok, Nanay ko naman pumupunta punta lang kaya ako lahat kay baby. Sooobrang hirap yung mapupuyat ka tas kailangan mong gumising pa ng maaga. 1 week sguro akong depressed non iba na talaga takbo ng isip ko, hindi na maganda. Kaya hanggat nasa matinong pag iisip pa ako non, nag dasal talaga ako. Iniyak ko lahat ng nasa dibdib ko. Kinabukasan, healed na ako. Mas tatagan mo lang Mi and kung may mga bagay na hndi ka sigurado, ask God.

Magbasa pa
2y ago

Truth Mommy. Ang hirap pala kako maging Nanay. Kaya natin ito Mi. 🥰