Vanishing Twin

Hello mga momsh! Story time. Warning: sad story. 2nd pregnancy ko, sa 1st ultrasound, nakita na 2 YS pala ang nasa sinapupunan ko. Mixed emotions kaming mag asawa. Ako literal na kinabahan nung una, but as day goes by, ung kaba namin napalitan ng excitement 😀 at sobrang saya namin kapag sinasabi ng panganay namin na bubuhatin daw nya ang kambal. 2nd trans v namin at 7 wks, nakita na mas maliit ng 1wk si Twin B kesa kay Twin A. Nagdagdag ng pampakapit si OB at double dose na rin sa ibang vitamins. Ang mahalaga nun saken, pareho silang may heartbeat. Kaya lang, kahit ganun, sa 3rd transv at 11wks, si twin B ay nanatiling 7 wks. At di ko napigilang umiyak habang ongoing ang transv kasi wala na raw cardiac activity si twin B. At hindi siya nagdevelop. As in, nung nagzoom ang sonologist, bilog lang siya, while si Twin A ay baby form na at malakas ang heartbeat. Yung kasiyahan namin, napalitan ng lungkot. After ilang araw from last ultrasound ko, panay ang sakit ng puson ko at nagkaspotting. Iniisip ko baka epekto ito ng nangyari kay Twin B. Nagpa ER kami, dinagdagan ulit ng pampakapit at inadvise na magbed rest. Ang hirap lang ng sitwasyon na hindi pwede masyado maging malungkot dahil sa pagkamatay ng isang baby at the same time dapat maging masaya na alive and thriving si Twin A. Meron na po ba naka experience ng ganito mga Momsh? Kumusta ang surviving baby nung nailabas nio? Naging maselan din ba ang pagbubuntis nio all throughout the pregnancy? #VanishingTwinSyndrome #twin #twinpregnancy #Needadvice

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako din vanished twins, 26weeks na ngaun. inisip ko nlng na hindi para sakin ang twins.

3mo ago

18 weeks ko nlaman na isa nlng cia. Wlang spotting or kahit ano, pero nung time na yan na nagpa ultra sound ult ako, nlaman ko dn na low lying placenta ako so prone pa dn ako sa pre term labor sb ni OB and sobrang ingat2 ako sa mga kilos ko. Working mom dn ako kaya sobrang hirap s pkirmdam na laging antok & mabigat tyan ko.