Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
First Time Mom
May mga dumidikit sa buhok ni LO
Hello po, paano po kaya matatanggal itong nasa buhok ni LO? Dumadami na po kasi. Pwede ba gupitin to? Pa help naman po.
How to remove cradle cap?
Ano po kaya pwede gawin para matanggal yung nasa ulo ni baby?
Lip tie baby
Hi po mommies, ang hirap pag may lip tie baby ko, hindi na talaga sya makapagbreastfeed sakin ng maayos. Lalo lang nawala milk ko kasi di proper yung paglatch nya. Gusto ko pa sana ituloy kaso hirap talaga sya maglatch sakin, nakakatulog sya lagi agad eh wala pa sya nadedede ng marami. Mixed feed tuloy sya. 2 months and 15 days na sya. Hayy ano po pwede gawin?
Konti nalang ang naiihi at minsan nalang magpoop si LO
Hi po, tinatry ko na po kasi mag pure breastfeeding kay LO. Dati po kasi mixed feeding sya. Konti lang po talaga gatas ko. Pero mga 1 week na ata pinapadede ko na sya lagi sakin kaso halos konti nalang umihi. Di ganun kabasa yung diaper tuwing pinapalitan ko sya. Natatakot aki baka nadedehydrate ko na si LO ko.
How to increase milk supply?
Hello po, hingi lang po sana ako ng advice how to increase my milk supply. 2 months and 7 days na LO ko pero 2-3oz lang yung napupump ko every 2-3 hrs. Nagtake lang ako ng natalac last apr 9, 3x a day until now. So 5 days palang po ako nakakatake nun then nag m2 malunggay din po ako last feb pa po pero konti parin po milk supply ko. Napa formula ko po tuloy sya until now so mixed feeding po ako ngayon. Ano po ba pwede ko gawin?
Dry ang ulo?
Hello, ask ko lang sana kung normal lang to sa LO ko? Nagddry yung ulo nya tapos parang may puti puti kagaya ng dandruff. Johnson cotton touch po yung shampoo nya. 2 months old na po si LO ko.
Ilang oz na kayang ubusin ni baby pag 2 months na
Hello po, ilang oz na po ba kayang ubusin ni baby pag 2 months na sya? Mixed feeding po ako. Di po kasi ganun kadami yung milk ko pero nagpapump po ako then pag di na kinaya nagfoformula milk na si baby. Parang di po sya nabubusog kasi, every hour nanghihingi ng milk. Thank you po sa sasagot.
Tulog pag karga si baby pero iiyak pag nilapag na sa kama
Hello po, hingi po sana ako advice ano po pwede gawin para di po umiiyak or nagugulat si baby pag nilalapag na. Tulog na tulog naman po si baby pag karga pero pag nilapag na sa kama, nagigising na. Mag 2 months old na po sya sa apr 7.
4 days ng di tumatae si baby
Good afternoon, ask lang po kung normal lang ba sa baby pag 4 days ng di tumatae? Lagi po syang umuutot. Mixed feeding po sya. Tsaka sinisipon po sya. Ano po bang dapat kong gawin? 1 month and 2 weeks old na po sya.
4 days ng di makatae si baby
Good Afternoon po, ask ko lang po kung normal lang ba yung baby na 4 days ng di pa tumatae? Mix feeding po sya, nahihirapan po sya makatulog sa gabi tsaka parang sinisipon pa po. Ano po ba pwedeng gawin ko? Umuutot din lagi si baby pero di talaga sya makatae. Need advice po.