Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Queen bee of 3 curious boy
binat remedy
mga momsh ano po gamot sa binat? kakapanganak ko lang last may 28. via ecs. pinilit ko na po kumilos at maglakad lakad. eto po kanina umaga paggising ko makirot ung tahi ko tapos pra akong nilalagnat masakit ng kasu kasuan ko. #pleasehelp
6 cm no pain
6 cm dilated na po ako kahapon pero pinauwi parin ako kasi wala paring labor. parang ngalay lang po balakang ko, maninigas saglit tiyan ko tapos wala na din. sabi ng midwife hindi daw po totoo ung pineapple juice na nakakalambot ng cervix, matamis daw un nakakalaki ng baby. ano po kaya pwedeng gawin para maglabor na?
accurate ba sainyo ung weight sa ultrasound and nung lumabas na si baby?
sa mga experience nyo po, accurate po ba ung weight sa ultrasound vs sa actual nya paglabas? kasi po sa ultrasound ko 36 weeks 2,811 grams pero kapag sinusukat ng midwife sa medida ang laki daw ng tyan ko and feeling nya daw nasa 3 kilos pataas ang baby.
midwife experience
sa mga mommies po na nanganak sa lying inn na midwife po ang nagpaanak, hows the experience po? ngaun lang po ako magpapahandle sa midwife and sa patakaran nila as long as kaya naman inormal na hindi tatahiin support lang daw po sila unlike sa ob na kapag lalabas na si baby ikacut kana para mabilis na lumabas ang baby at painless ang tahi. medyo kinakabahan po kasi ako ngayon sa midwife although maalaga naman sila kaya lang baka ngayon ko maranasan yung maglabor talaga.