Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Primo Rael and Baby ?
High risk.. Mild attack , Hindi pala normal yung Hingal ko... 😞☹️
Pa hug lang po 😭, nakaraan po nag ask ako kung normal ba yung hingal ko then pina request po ako ng 2decho ni OB.. medyo nakakaiyak lang. Gusto ko mainormal ulit itong 2nd baby ko kso lumabas sa results ko sa 2dEcho na May mild attack ako sa puso.. High risk.. Hndi pa malaman kung dahil ba sa pagbubuntis ko o dahil may nakabara sa puso ko... 😭😭☹️☹️ nilalakasan ko tong loob ko. Ayokong mangibabaw tong nerbyos ko.. Kilala ko sarili ko malakas ang loob ko.. Alam ko dahil lang sa buntis ako kaya ganto kababaw yung iyak ko... Pero yun na nga May sakit ako sa puso na ngayon ko lang na diskubre.. 🥺😣 tapos 35weeks na ako, pinapalipat ako ng ibang hospital na tatanggap saamin ni baby.. Gabayan nawa kami ni baby ng Panginoon... 🤧🙏
Hinihingal ako kahit na nakikipag usap lang naman.
34 weeks. Normal po ba hingalin? Kahit nakikipag kwentuhan lang naman... O dahil paanakin na?? May katulad po ba sakin..
Ano po pwede gamot?
Mag 3 days na po na masama pakiramdam ko sa sipon at trangkaso... halos d nadin ako makatulog at ilang araw na din wala ganang kumain.. .. 18weeks preggy palang po.. Ano po kaya ang pwede kong inumin na gamot.,🥺🥲
May gatas paba na pwede inumjn sa may acid?
Hello po, Ask ko lang kasi Malakas ang hyperacidity ko so noon pa bawal na talaga ako ng gatas,gusto ko po sana mag inom para kahit papano po may makuhang nutrients ung baby ko.. (3mos preggy) May gatas pa kaya na pwede kong inumin na pwede sa may acid?? 🥺🥺 #acidproblem
Sa gabi naglilihi
Normal po ba na sa gabi ako tinatamaan ng lihi? Sa gabi ako halos puro suka ng suka pabalik balik sa cr.. Tapos po sa gabi din ako nahihilo ng sobra... Sa umaga naman po pra akong walang gana kumain, puro antok lang nararamdaman ko. 7wks preggy. Di po ba msyadong maaga maglihi?