MIL dilemma

Matgal tagal din po ako nagtimpi, pero magvevent out na po ako ngayon. Kakapanganak ko lang po kasi nung March 11. At yung mil ever since bida bida na, mas lalo lang lumala ngayong lumabas na po ang baby namin. May pula pula po kasi ang baby namin sa katawan at sa mukha pagmainit. Nung una hindi namin alam kung saan nagsimula, pero naconfirm namin na sa init ng panahon lumalabas ang mga to. Pag malamig or mahngin nawawala din. Nung hindi pa namin alam yun, ang sinisisi niya kami kesyo daw lagi daw naming hinahalikan kahit hindi naman kasi kahit kaming magasawa takot kami halikan si baby. Tapos sa simpleng pagbuhat ng baby ayaw niya ipabuhat samin, masspoil daw pero siya todo buhat kahit kailan niya gusto. Isa pa, pagnatutulog na ang anak ko, ginigising niya pag bored siya. Natural iiyak di ba? Ang sisisihin nanaman kami kesyo hindi daw namin siniaigurado na nalalamigan siya or hindi kinakabag, etc etc. Pinakanaiirita lang ako ay yung mga pabulong bulong niya. May bisyo kasi si husband na pagyoyosi pero sa tuwing hahawakan niya ang baby namin, naghuhugas siya ng kamay, naghihilamos, nagttoothbrush at nagpapalit ng damit plus nagaalcohol pa. Sa tuwing nakikita niya na buhat ni hubby ang baby namin ang daming satsat at bibirahan pa kami na kami daw bahala kami naman daw mahihirapan sa pagpapadoctor. Ang hindi ko maintindihan, bakit ba parang ayaw niya ipahawak sa amin na mismong magulang ni baby. Oo aminado ako na malaki utang na loob namin sa kanya dahil siya ang nagaalaga ng labahin at lutuin, pero hinding hindi ko na po talaga gusto yung inaasta niya. Matapos lang po ang quarantine maghahanap na po kami ng sariling place. Sakit sa ulo eh. Kayo po ba may ganitong experience din po ba?

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

May tendency na ganyan ang mother ko and ang MIL ko.. pero ever since, i made it sure na though mas may experience sila, ako lang as the mother of my child ang pwedeng magdesisyon... hanggang suggestion lang sila... it's up to me kung susundin ko o hindi... if I say no, it's a no. Kaya ngayon na malaki na anak ko, never naging epal si mother and si MIL... hanggang suggestion lang sila and buti nalang they respect that personal space between my motherhood and theirs. :) At first medyo bad ang tingin ng husband ko sakin kasi pati sis in law ko medyo epal din eh and si husband at first parang di nya ako maintindihan... pero sa latter part naman na ngayon is fully understood na ako ni husband. :)

Magbasa pa

Ewan ko lang, sis. Malapit na rin ako manganak at si MIL magiging support person ko kasi ‘yong nanay ko bawal makapunta sa’min dahil nasa Level 3 pa kami, kahit gusto niya wala kami magagawa baka mahuli lang sila at ma fine. ☹️ Anyway, sana hindi ganiyan ‘yong mangyayari pag andito na si MIL saamin. Ang hirap pa naman nun, dapat siya yung iniitindi, sobrang sensitive, napaka inconsiderate at bastos. Naiisip ko pa nga lang ngayon, na ha high blood na ako. Na appreciate ko naman pero iba talaga pag nanay, di kasi kami close ni MIL. Yoko rin sa ugali niyang mahilig mang guilt trip. Haha. Alis na po kayo after ecq para hindi po kayo ma stress at walang sakit sa ulo.

Magbasa pa

Ganyan din si mil pero wala nanay ako lola lang sya kahit baliktarin nya pa ang mundo mananatiling lola sya malaki rin utang na loob namin sa kanya madami rin syang side comment pero palagi ko rin sinasabi nag alaga ako ng mga pamangkin ko kaya alam ko. Saka sinasabi ko rin kay hubby kaya kapag tumingin ako sa kanya or minsan kahit hindi na basta against sa pagiging nanay ko kokontra agad sya. Kasi mas malaking gulo kapag ako nagsalita alam nya kasi kung ano mangyayare.minsan ko na nakaaway si mil kaya ayaw nya na maulit yun

Magbasa pa

May tendency lng pero good thing n nurse ako Ska may edad n din ako kaya Alam ko alagaan baby ko. So kahit may suggestions siya ako pa rin masusunod.. 🙂 d nmn Niya pinipilit Yung knya pero pag may gusto siya at d nmn masama hinayaan ko lng din. Hindi p din kmi makahiwalay, naubos pera sa panganganak ko and nawalan work Asawa ko, ngayon naman kaka kuha Niya lng bagong work nag ka ecq naman, d p ko mkabalik since wla p mag aalagang iba sa anak ko.pero bka after lockdown makahanap n kmi Ng Yaya mag wowork n ko..

Magbasa pa

Ganyan din mil ko dati, since 1st time mom ako nun at may experienced na sya. Lagi din sya ang nagsasabi ng mga bagay bagay. Kasi nga wala pa nman akong alam. Pero mali ung papakialaman nya ang pag aalaga nyo sa baby nyo ksi kayo ang magulang. For me it's better na kausapin mo si biyenan mo just for her to know na medyo nahuhurt ka sa mga kinikilos nya. After all masama din nman magtanim ng tampo.

Magbasa pa

Parehas na parehas tayo. Oo asikasi ka nila labahin pagkain etc. pero ano kapalit nun? Mamandohan ka. Papakialaman ka sa sarili mong anak. Bwisit sobra. Yun mil ko ganyan na ganyan din. Binabara bara nlng minsna ni hubby. Pnaka nakakainis kung maktnong kala m yaya ka ng anak mo. Ano oras nagising yan, ano oras natulog, naligo na ba, dumede na ba, nakakarindi!!

Magbasa pa
5y ago

Pinainim mo na ba, ano kinain nyan? Dami sabi ko nga kay hubby. Pinapagalitan nanaman ako ng mama ni lea.hiyang hiya ako eh. Hiyang hiya!

Sis, bumukod na talaga kayo. Un talaga ang solusyon. Also, si Hubby baka pwedeng wag na siya magyosi, para kay baby naman. Smoker din kami parehas dati ni husband before ako napreggy. Nung nabuntis ako hinto agad kami. Mahirap na, baka magkasakit pa si baby dahil lang dun.

Most of us ay nakakaranas ng "pangingialam" or "pagmamagaling" from our inlaws lalo na from MIL. Di na yata yan maiiwasan. Kahit gaano kabait may masasabi at masasabi yan lalo at nasa iisang bubong kayo. Pinakamainam na gawin ay bumukod talaga.

Ganyan na ganyan din sakin mumsh. Kanina nga lang nagpadeliver lang kami ng food kasi madami naman kaming extra kung anuano nanaman pinagsasabi na kala mo hindi kami nakkaapagbayad on time.

Ganyan cguro tlaga ang MIL dami cguro ksi nilang frustrations sa buhay at mga pangarap na hindi natupad ksi nag-asawa ang kanilang mga anak. Best solution dyan ay Bumukod. Yun tlga yun sis.