Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
DenDen/Aliyah ?
36weeks and 1day 💗
share ko lang mga mommy nung 34weeks yung tummy ko nag preterm labor ako ng 5days akala ko tlga manganganak nako kaso masado pang maaga kaya natatakot ako , awa naman ng dyos nawala yung sakit ng puson tska balakang ko nung pinainom ako ng pampakapit tas tinuturukan din ako kada 12hrs bedrest nadin sa awa naman ng diyos umabot kami ni baby ng 36weeks and 1day issched nako ng cs natutuwa ako kasi napaka buti ni lord at pinaabot nya ng 9nonths si baby kahit may myoma ako feeling ko dahil sa myoma ko kaya ako nag labor ng maaga. nakaharang kasi sya sa dadaanan ni baby kaya cs ako , firsttime ko ma cs kinakabahan na naeexite 😊 sa mga cs mom jan pashare naman po ☺
34 weeks and 3days
34weeks and 3 days palang po ako sumasakit na yung pempem tska balakang maya maya narin po naninigas yung tyan , dec 18 pa po sched ng cs ko 😭 ano po dapat gawin
paninigas ng tyan?
mga mommy normal lang ba yung pag tapos makipag do kay mister naninigas yung tyan ? 28 weeks and 1 day palang po ako grabe napo yung paninigas nya after ko makipag do kay mister worried lang po ako sana may makasagot tia.
Palabas lang ng sama ng loob mga mommy
sobrang sama ng loob ko sa asawa ko wala syang pakielam samin ng mga anak nya lalo na skin napapansin ko pag kainan na inuuna lang nya sarili niya basta sya makakain. pag hindi ako kikilos malilipasan na kami ng gutom ng mga anak ko buntis pa naman ako gutumin pero ni yaya hindi ako nakarinig sknya na( kumain kana baka malipasan ka buntis ka pa naman ) 😔 wala manlang pag ganun basta sya mabusog , buti pa nga yung asawa ng kapatid niya nasasabihan niya na ( kumain kana ) kami /ako wala manlang pag ganun sobrang nakakadismaya. isa rin yung nanay niya sobrang napaka plastic porket hindi na nila ako napapakinabangan parang kaluluwa ka nalang sa paningin nila na parang hindi ka nakikita. sa isang araw dalawang beses lang ako nakakain dahil nahihiya ako na kumain baka mamaya may masabi yung byenan ko sabihin ang lakas lakas ko kumain hindi naman ako tumutulong sa gawain bahay 😢 kung hindi lang ako buntis at kung wala lang akong inaalagaang baby , kikilos naman ako e hindi naman tamad na tao , kaya gusto ko din nakabukod kami ng pagkain ayoko makisama sa magulang niya kaso wala eh yan gusto ng asawa ko ang dumikit sa magulang kaya ako yung nahihirapan 😭😭😭😭 pa advice naman mga mommy nahihirapan na kasi ako sa kalagayan ko ni pag ihi hindi manlang nila mabuhat yung bata kaya lagi kong kasama yung bata s cr kahit kakain hindi ako makakain ng maayos kasi buhat ko yung bata. tas kunting dungis lang ng anak ko sasabihin paliguan parang pinapalabas nila na hindi ko pinaliliguan anak ko natural lang naman sa bata na dumihin kahit kakaligo lang 😔hindi nila nakikita yung hirap ko nakikita lang nila yung mgamali ko ni hindi kona nga magawang mag ayos sa sarili ko e😭😭kasi wala nakong oras sa ganyan puro anak nalang siguro pahinga ko sa pag aalaga ng mga anak ko tulog nalang sa gabi 😭😭😭😭sorry mga mommy nilabas ko lang sama ng loob ko
cevical myoma during pregnant
hello po mga mommy sana po may makapansin, sino po dito yung may myoma during pregnan may tatanong po sana ako sana po may makasagot thanks
cervical myoma during pregnant
mga mommy sino po dito may myoma habang nag bubuntis ? 6 months preggy po ako at may nakitang myoma. 9.06 x7. 68 x7. 83cm. yan po nakalagay sa utz ko malaki poba ? 😭😭nag woworried napo ako sabi sa nag ultrasound skin nasa labas daw po ng matress ko yung myoma nakaharang daw po sa dadaanan ng bata kaya need daw ma cs tanong ko lang po mga mommy delikado poba to? bukas pa po kasi ako makakapag pacheck up sana po may makasagot tia
myoma during pregnant?
hello mga momshie sino po dito may nakitang myoma sa ultrasound ? maytatanong lang po ako thanks 💖
masakit na balakang at pwerta
mga mommy pwde po ba mag tanong , normal lang poba sumasakit yung balakang at yung gitna ng pwerta sumasakit po kasi mag 6 months palang po tyan ko kaya nag wworried po ako meron din po akong binubuhat na baby mag 1 yrs old na sa oct sana po may makasagot skin salamat 💖
24weeks and 4 days 💖
sobrang likod na nya at medyo masakit , pati balakang ko masakit narin sino po dito katulad ko ☺❤
allergy at asthma
mga mommy 1:55 am na sinusumpong ako ng hika medyo nahihirapan ako huminga at may tunog din yung hinga ko 😭anu po pwde gawin pampakalma ? wala kasi akong kasama asawa at anak ko lang.. hirap ako makatulog baka may makapag advice naman jan para mapakalma ka sinisipon din po ako sobrang barado yung ilong ko 🤧