Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Excited to become a mum
Paglalaway ng isang tanggol
Paglalaway ng isang sanggol.. paano ko po malalaman kong pag iipin ba siya o normal lang o kaya naman may sinyales na? mag 3 months na po si baby ko pero natatakot po ako ano ibang meaning ng paglalaway nya na may bubbles palagi
Pagluluha at pagmumuta ng sanggol
Tanong ko lang po mga kamommy if may pedia or Doctor po dito mas mabuti🥺❣️ worry lang po ako.. yung 1month old baby ko po nagluluba kaliwang mata nya tapos nagmumuta narin nag aalala po ako kasi pagtulog siya after an hour may mga muta na mata nya kaya need ko siya linisin palagi kasi natatakot ako baka hindi siya makadilat dahil dun. pwede ko po Malaman if ano po gagawin ko? nakakaparanoid po kasi e🥺😭😭
Heartbeat ni baby or Pulso ni Mommy?
Hello po mga mommies. 7 months pregnant po ako. ask ko po if normal lang po ba yung magkaroon ng malakas na pulso or heartbeat ba ito ni baby sa may puson ko? malakas po kasi siya at nararamdaman siya ng boung katawan ko everytime na titibok siya hindi ko po maintindihan if ever pulso ko ba siya or heartbeat ni baby?.. tapos minsan subrang sakit ng tyan ko pababa ng puson pababa ng private part ko pero parang kidlat lang naman yung sakit saglit lang siya tapos wala naman nalabas na dugo sakin or may kakaiba sa discharge ko medyo yellow lang siya.. ano po mga meaning nun? sorry nakaka 3 concern na po ako.. first time mom po kasi..
Maliit na tiyan ng buntis
Hello po, ako po si krisha 23 yrs old. first baby.. ask ko po if okay lang po ba na isang beses palang ako naturukan tapos isang beses palang din po ako nakakapag pa ultrasound and yung tiyan ko daw po is maliit 5 months na po ako at netong 3 months lang ako nag start uminom ng folic acid, white discharge din po yung akin. yung mga check up po kasi dito samin dipo nila kami nag physical test since pandemic nga until now po diko pa po naririnig heartbeat ni baby at kabado din po ako kasi maliit nga daw po tiyan lalo na pag wala ako kain subrang liit para lang akong busog.. kailangan kona po ba mabahala? need ko po ng mensahe nyo or suggestions. Salamat po