Heartbeat ni baby or Pulso ni Mommy?

Hello po mga mommies. 7 months pregnant po ako. ask ko po if normal lang po ba yung magkaroon ng malakas na pulso or heartbeat ba ito ni baby sa may puson ko? malakas po kasi siya at nararamdaman siya ng boung katawan ko everytime na titibok siya hindi ko po maintindihan if ever pulso ko ba siya or heartbeat ni baby?.. tapos minsan subrang sakit ng tyan ko pababa ng puson pababa ng private part ko pero parang kidlat lang naman yung sakit saglit lang siya tapos wala naman nalabas na dugo sakin or may kakaiba sa discharge ko medyo yellow lang siya.. ano po mga meaning nun? sorry nakaka 3 concern na po ako.. first time mom po kasi..

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello mi, yung malakas na pulso po bang tinutukoy nyo eh constant or 24oras po? O paminsan-minsan lang po sa isang araw? Kasi ako may nararamdaman akong pintig/pulso sa puson ko nanggagaling pero ramdam din sa buong katawan, minsan umaabot ng 5-10mins. Sinisinok daw po si baby nun sabi ni OB ko.

2y ago

ganyan sakin minsan magkakasunod na araw pa pero di siya nag tatagal mga mins lang din pero 2 times na uulit sa isang araw.. akala ko nung una heartbeat tapos checheck ko heartbeat ko tapos yung something sa puson ko hindi match yung tibok kaya akala ko heartbeat ni baby

Hiccup po yun ni baby ganyan po sa asawa q. Para syang bubble na titiboktibok po. Para nga po syang heartbeat. Pero hiccup nya lng po un

2y ago

Wala po, mi. :) Indication din daw po yun na healthy si baby.