Kclyn Lugtu Peralta profile icon
PlatinumPlatinum

Kclyn Lugtu Peralta, Philippines

VIP Member

About Kclyn Lugtu Peralta

Jayden Khaisley's Mom

My Orders
Posts(11)
Replies(114)
Articles(0)

CTTO

? ???? ???? ?????? ???? ???????.. ?? 1-2 weeks after a baby is born, wag na lagyan ng mittens para mapractice ang hand and eye coordination nila. Malaking factor ito kapag mag stastart na silang mag solids. ?? Akala ng karamihan kapag ngumunguya na si baby eh ready nang mag solids. May ibang babies na hindi pa kaya kumain pagkatungtong ng 6 months. Hindi po lahat ng babies ay parehas kaya wag po kayo mag worry kung madedelay ang pag start ng solids ni baby. Check for signs of readiness tulad ng kung kaya na bang umupo at kontrolin ni baby ang ulo niya. ?? Minsan kapag ayaw kumain ni baby subukan niyo sila ilabas. (Hindi sa mga mall kundi sa park) Hayaan niyo sila mag explore, madumihan at madiscover ang iba't ibang textures ng mga bagay bagay sa paligid like leaves, stones, sticks. Sign din daw kasi ng batang nakakulong sa bahay ang pagiging butnutin kaya ayaw kumain. ?? Eto pinaka nagustuhan ko na sinabi sa seminar. FOLLOW-ON MILK IS NOT NECESSARY according sa World Health Organization. Kapag nag wean na si baby sa pag brebreastfeed, you don’t need to buy them any formula milk like Nido 3+, Bearbrand Jr, etc. Hindi po milk ang kailangan nila kundi CALCIUM which can be found sa mga solid food. Make sure to offer calcium rich food like malunggay. It has 4x the calcium than milk. Magpasalamat tayo dahil napaka abundant ng malunggay dito sa atin at napakamura lang. Iniisip ko nga na kapag nag wean na ba si Sage need pa ba namin siya bilhan ng milk pero mabuti nang hindi na pala, makakatipid na ulit kami lalo haha thank God natutunan ko to sa seminar at napanatag ang loob ko. ?? 1-3 years old pinaka nag pepeak ang sakit dahil age of exploration nila ito kaya dapat mas pinapabreastfeed natin sila para lumakas lalo ang immune system nila. ?? Make eating time a fun and stress free environment. Babies can feel when there’s tension. Introduce cognitive activities while eating like counting or teaching them different colors & shapes. In our case, we bought Sage a table na may design na numbers and alphabet kaya sa tuwing kakain siya tinuturuan din naming siya mag count kaya naeenjoy niya lalo ang meal time. ? ?? May emotional effect po sa bata ang pag foforce feed. Madalas ito mangyari kapag naiiwan si baby sa caregiver. Educate them na kapag ayaw ng bata sumubo wag pilitin, try ang try lang after every 2 hours. Mas ok nang naka isa o dalawang subo every 2 hours kesa walang laman ang tiyan nila the whole day. Mas mainam ang small and frequent meals kesa isang kainan ng madami. Hindi kailangang lagi ubos ang pagkain na nasa plato. Again, not all babies are the same. Some may finish their food in one sitting while others may take a few hours. Learn to know the queues of your child nang sa ganun ay sakto lang ang maihain niyong food sa kanila. ?? As long as they are eating healthy, it’s ok kahit di mataba si baby. Nakaugalian na kasi na kapag mataba ay healthy na agad. Nasa lahi din po ng parents yan kung tabain ba o hindi. Tandaan na hindi lahat ng mataba ay healthy at hindi lahat ng payat ay sakitin. ?? Sugar is highly addicting, hindi ito naiiba ng epekto gaya ng sigarilyo at drugs sa atin that’s why it’s not advisable to offer your baby sweets below 2 years old. Kapag nasobrahan sa sugar eh tataas ang sugar level ng isang tao then eventually magdedecrease kaya nga diba kapag nag susugar rush ka eh ang hyper hyper pero di magtatanggal bababa ang energy level mo. ?? High chair is not a must. Kung pagiging practical lang din, pwede na sa pinatong patong na monoblock chairs then i-assist na lang si baby habang nakaupo. ?? Normal lang na makalat sa tuwing kakain si baby. Wag mafrustrate dahil minsan nakakalimutan natin na babies sila. Maging pasensyoso at linisin na lang ang kalat after kumain. Embrace the mess. ? ?? No forms of distractions sa tuwing kakain. Turn off the tv, iligpit ang toys or gadgets. Ilapag ang pagkain sa mesa at hindi sa harapan ng tv. Nalilihis ang concentration ng bata kapag ganun kaya kung mapapansin niyo minsan na nakababad na lang sa loob ng bunganga nila yung food kasi ang concentration nila nasa tv instead na nasa pagkain. ?? Kapag nag 1 year old na si baby pwede na sila bigyan ng sarili nilang cup para matuto sila uminom ng tubig mag isa. Yung maliit na baso lang para shallow at madali dumaloy yung tubig sa tuwing iinom sila. ?? Eto ang pinaka madalas kong napapansin sa mga bata ngayon. Sila ang kumokontrol sa mga magulang nila kung anong pagkain ang gusto nila ipabili like hotdogs, ham, etc. Hindi dapat ganun, tayong mga magulang ang dapat na nagdedesisyon kung ano ang ihahanda at ipapakain sa kanila. Wag silang tanungin kung ano ang gusto nilang kainin sa halip sanayin sila na kung ano lang ang nasa hapag kainan yun lang ang dapat na kainin. Bilang mga magulang obligasyon natin na hainan sila ng masusustansyang pagkain. ?? Wag na wag susuhulan ang bata para lang kumain. Eto madalas ang ginagawa ng karamihan kaya naiispoiled ang mga bata at di nila naaappreciate ang tunay na essence ng pag kain. ?? Kapag sabay sabay kayong kakain, wag na wag kayong magtatalo mag asawa sa hapag kainan. It will create a negative impression sa bata hanggang sa paglaki nila. Or kahit mag discuss about money or any other problems is a big no no. ?? Junk foods like chips, biscuits, softdrinks, commercial baby food, etc. are dangerous for your child’s health dahil puno ito ng msg, sugar, salt at iba pang preservatives na pwedeng makapinsala sa kanilang musmos na organs. Isa pang effect nito ay ang pagtanggi ng bata sa natural na pagkain, obesity, diabetes at iba pang sakit. ?? Artificial vitamins are not necessary kung wala namang vitamin deficiency ang bata. Doble trabaho lang po ito sa liver nila sa pag proproseso ng synthetic vitamins. ?? Food should be mashed not pureed. Dapat po may texture para matuto pong makarecognize ng different textures si baby at makakatulong ito sa pagkatuto nila magsalita in the long run. ?? Its ok to follow or not follow the 3-day rule. ?? Mas ok po na bumili ng buong prutas sa palengke kesa yung mga chopped na nasa groceries dahil iniispray-an nila ito ng chemical para tumagal ang freshness at hindi natin alam kung malinis ba ang tubig na pinang banlaw nila sa mga yun. ?? Nakita ko yung post ni mommy Joselle nung nakaraan about sa Miswa kasi ang ingredients nun ay flour, water at salt kaya tinanong ko yung about dun nung seminar at chenenenen! Maalat po pala sobra ang miswa kaya pang 1 year old above na po pala ito dapat i-offer. Salamat mommy Joselle sa pag post nun at least alam na nating lahat hehe. ? Eto po ang iilan sa mga pagkain na kasama sa Tamang Kain. (Mga locally grown food) - Talong - Pipino - Kalabasa - Papaya - Okra - Kamote - Buko - Saging - Mais (White Corn instead na yellow dahil nilalagyan po ng food coloring yung iba para magmukhang matingkad) - Brown/Red Rice - Mangga - Kalamansi - Malunggay - Munggo - Sayote - Patola Basta lahat po ng nasa kantang Bahay Kubo eh locally grown food at pwede i-offer kay baby except sa mani dahil malakas poi to maka-cause ng allergy. Tsaka na po kapag 1 year old pataas na. Mga di po kasali sa TK na hindi alam ng karamihan (gaya ko nung una haha) - Apple - Grapes - Strawberries - Blueberries - Rolled Oats - Cream Dory - Dairy Products (milk, cheese, yogurt) - Basta mga iniimport na vegetables at fruits galing sa ibang bansa papunta dito sa atin ay hindi kasali sa TK dahil may mga preservatives nang nilagay doon para mapanatili ang freshness hanggang sa pagdating dito sa Pinas. P.S Ang group po na ito ay hindi solely TK ang sinusunod kasi hindi naman po sa atin yung Tamang Kain, sa BFP po yun kaya halo halo po ang shinashare na recipes. Mapa-TK or Baby-Led Weaning, spoon feeding or offering your babies finger food, ang importante healthy food ang pinapakain natin sa babies natin at hindi yung mga commercial baby food. Baka lang kasi mag cause ng confusion sa inyo hehe. At the end of the day kayo pa din po bahala kung anong style ang susundin niyo sa pagpapakain sa lo's niyo ? (? ???? ???? ????????????? ???????? ?????) ?

Read more
 profile icon
Write a reply