Mga mamsh ako lang ba nakakaramdam ng sobrang pagod at stressed na dahil kulang sa tulog. LO ko kasi hindi natutulog sa gabi puro iyak lang at sa umaga hindi din natutulog. Siguro yung tulog nya mga 30 mins lang tapos iyak na. Titigil lang sa pag iyak kapag karga pero mabilis lang din sya tatahan iyak ulit. Pagod na talaga ako. Simula nung manganak ako yung tulog ko pinakamahaba na ang 2 oras. Naiisip ko hindi ko kaya. Parang gusto ko na lang bumalik sa panahon na wala pa akong anak. Hindi ko maintindihan si baby. Katulong ko naman mama ko pero kahit sya hindi rin maintindihan si baby. Parang gusto ko na lang umalis sa bahay at mag relax sa ibang lugar #pleasehelp #1stimemom #firstbaby
Read moreHello mga mamsh.. Gusto ko lang mag share ng experience ko as a ftm.. Akala ko pagkatapos manganak okay na, level 1 pa lang pala yun 😅Yung pag aalaga pala sa newborn yung mas mahirap. Palaging puyat, pagod, masakit sa kamay. Sobrang hirap pala. Hindi ko inexpect na ganito pala yung pagdadaanan ko. Gustuhin ko mang matulog kapag tulog si baby sa umaga hindi ko magawa kasi kailangan pang labhan yung damit nya, maghugas ng bote ng gatas at kung ano ano pang ibang gawain. Nandyan naman mama ko na umaalalay sa akin pero 90% ako talaga lahat. Mga mamsh sobrang nakakapagod pala talaga. Sorry nag vent out lng ako. Wala akong makausap at mapagsabihan ng nararamdaman ko 😔😔#1stimemom #babygirl #firstbaby
Read moreEDD: June 27 2021 DOB: June 18 2021 via Normal Delivery Hi mga momshies 🤗Sa wakas nakaraos din kami ni baby. I just wanted to share with you our journey. Meet my baby girl Fria Kaileen Magbanua. Induced labor ako. June 17 2pm ako ininduce at June 18 10am na ako nagstart mag tuloy² na labor. Pinanganak ko si baby around 1:46pm. Nagdecide ang OB ko na e induce ako kasi low amniotic fluid na ako at 3 beses na akong na swab at na eexpire dahil hindi pa rin lalabas si baby. Grabe hindi ko talaga ma explain kung saan nanggaling yung sakit sa labor at pag ire pero nung narinig ko na iyak ni baby sobrang worth it talaga. Ang dami kong tahi kasi maliit daw yung daanan ng bata ko at 3kgs si baby. Para sa isang first time mommy sobrang grabeng experience pala ang labor at delivery. I hope makaraos na rin kayo mga momshies sa tulong ni Lord. Hindi talaga ako tumigil magpray habang naglalabor na tulungan kaming makaraos ni baby..#1stimemom #firstbaby
Read moreHi mga mamsh. Tanong ko lng po pano nyo po nireready ang sarili nyo sa panganganak? First time mom po ako at medyo kinakabahan. Nag open na cervix ko 2cm na at 36 weeks ang 5 days. Nkapagswab na din ako kasi baka lumabas na si baby pero hindi pa ako 100% ready 😥 Advise naman please mga mamsh..#firstbaby #1stimemom #pregnancy #advicepls
Read moreMga momsh sino dito yung may ganitong experience? 35 weeks 3 days na po ako at ngpa check up ako sa OB ko at nung na IE ako dun nkita na ng open na cervix ko at 1cm. Inadvise ako na magbedrest at niresetahan ng pampakapit tsaka injection para sa lung development ni baby 4 doses at every 12 hours.. Sana ma full term talaga si baby at hindi lumabas ng maaga.#1stimemom #firstbaby #pregnancy
Read more