Puyat palagi kay lo

Mga mamsh ako lang ba nakakaramdam ng sobrang pagod at stressed na dahil kulang sa tulog. LO ko kasi hindi natutulog sa gabi puro iyak lang at sa umaga hindi din natutulog. Siguro yung tulog nya mga 30 mins lang tapos iyak na. Titigil lang sa pag iyak kapag karga pero mabilis lang din sya tatahan iyak ulit. Pagod na talaga ako. Simula nung manganak ako yung tulog ko pinakamahaba na ang 2 oras. Naiisip ko hindi ko kaya. Parang gusto ko na lang bumalik sa panahon na wala pa akong anak. Hindi ko maintindihan si baby. Katulong ko naman mama ko pero kahit sya hindi rin maintindihan si baby. Parang gusto ko na lang umalis sa bahay at mag relax sa ibang lugar #pleasehelp #1stimemom #firstbaby

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Hello po kumusta? Ilang months na po si baby niyo?

3y ago

Hopefully dumali na po para sainyo ang lahat.