Juyen Lubong Bautista, Philippines

Super Zyen's mom

About Juyen Lubong Bautista

Excluton Pill
Super sakit ng ulo ko dahil yata sa pill na to, normal po ba? Ano po dapat gawin?
ask ka po sa OB, may mga pill kasi na nakakacause talaga ng headache. baka may ibang mas hiyang sayo
Excluton
Ano po masasabi niyo sa Excluton Pills? Ano mga side effects nito sainyo?
VIP Member
Hiyangan sis sa mga ganyan.
Sa akin sis, ok naman po yung excluton. Wala naman side effect. Kumporme lang po siguro yan sa gumagamit. Parang pahiyangan. Ang problema lang, lagi ko nakakalimutan 😅
Butlig
Ano po kaya ito? At ano dapat igamot? 4 months palang si baby. Makati po yata.
thumb image
Paliguaan mo ng mapaet or pinakuluan dahon ng bayabas. Yung pamangkin ko ngkaganyan din. Tas ngtutubig pa. 4 days lng wala na.
Rashes po dahil siguro sa pawis o nalalagyan ng gatas. Pacheck up po sa pedia para tama yung ointment na ipapahid mo.
Buhok
Normal po ba na maglagas ang hair? Kakapanganak ko last July, sobrang naglalagas buhok ko.
Opo kasi nakukuha nila lahat ng sustansya natin and nagaadjust pa ung hormones natin mamsh kasi kakapanganak lang natin.
Gatas
Ano po magandang inuming gatas pampalakas ng milk supply?
VIP Member
Ako po bearbrand lang na gatas gabi gabi
Pagkain
3 months palang baby ko, gusto na ng mother in law ko na pakainin ng cerelac si baby sa 4th month niya. Okay lang po ba? Ano epekto kay baby?
Hi po. Wag po, ikaw po dapat mag desisyon hindi siya. Ang epekto po nun magiging mapili si baby sa pagkain pati hahanapin na niya agad matatamis. May preservatives din po yun.
Big NO. 3 months pa lang, super aga di pa kaya ng digestive system ng bata. Gatas pa lang ang kaya ng tiyan nila, 6 months ang ideal na pakainin ang bata.
Vaccine
Ano po ba mga dapat na vaccine at kailan dapat ivaccine si baby? May 1st shot na ng 6 in 1 vaccine si baby nung 2 months siya. 3 months na po siya now. Pls enlighten me. Thanks
VIP Member
Wala po bang chart na binigay sa inyo para makita niyo po kung ano susunod na vaccine niya
powder
Mommies! Ano alternative niyo sa Johnsons Baby Powder? Kasi sabi sa US research may Asbestos daw ang Johnsons baby powder na nakakacause ng canser. Ano po masusuggest niyo na mas better na power?
Rice powder sis. Tiny buds. Kahit hindi Johnson, kung may talc, hindi pa rin maganda for babies.
Mas maganda cguro. Po kung iwasan ang powder habang maliit pa c baby, pero it's up to you momshie, 😅
Mommy kpg baby pa po iwasan po nten gumamit ng powder nkakasama po at nlalanghap ni baby.
VIP Member
Tiny buds po safe for baby kasi rice grains sya at talc free.
amazing 8in1 herbal powder product po sya ng first vita plus....super proven at madami benefits
Diane
Ano po mangyayari kay baby kung nakainom na ako ng 7 tabs ng Diane35?
Bakit ka uminom ng Diane35? Hindi mo ba alam na buntis ka?
DIANE 35
Breasfeeding mom po ako, then nag ask ako sa ob ko kung ano pwede sakin na pills, sabi daphne or diane. Nagdiane ako pero parang humina milk ko. Huhu ano po gagawin ko para dumami ulit?
Naku mamsh sinabi mo ba sa ob mo na nagbe-breastfeed ka? Progestin-only pills lang ang pwede sa breastfeeding moms.