Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
mom of a bouncing baby boy
Delay but not ebf
Possible din po ba na madelay yung regla kahit hindi na po nagpapabreastfeed?
Breastmilk storing
Ilang oras po ba shelf life ng kakapump lang na breastmilk tapos yung defrost milk?
Bawal po ba talaga maligo pagkapanganak?
3 days after ko manganak, nasa ospital pa kami non, sa sobrang init naligo ako, di ko napigilan eh. Sabi din naman ng mga doctor na nag iikot magsiligo daw haha. Tapos nung nalaman ng mama ko at byenan ko medyo nashookt sila hehe. Di ko pa daw mararamdaman ang epekto nun ngayon pero soon daw. Eh bukod sa di naman ako aware, di rin naman ako naniniwala sa mga pamahiin. Ano po sa palagay nyo?
My Baby is here!
Sobrang hirap. Eto na ata pinakamahirap at pinakamasakit na napagdaanan ko. But still, it's all worth the pain nung nakita ko na si baby. First time mom here. Almost 3 days ako nag labor. Due date ko Nov 22, nung gabi ako nagstart maglabor hanggang kinabukasan. Nov. 24 still in pain with sudden contraction siguro every 5mins. Tapos bumigla syang sumakit ng grabe ng bandang 11am. Dun nila ko dinala sa lying in malapit samin. 4cm na daw kaya di na ko pinauwi kase baka mga 5-6pm daw manganak na ko. But then di parin ako nanganak, still in labor pains na sobrang sakit, nafifeel ko ng malapit na ko manganak. Nov. 25, pumutok panubigan ko ng 11:45am so expected kasunod na non si baby. Dinextrose ako since mahina pain tolerance ko. Delivery room, nagstart na ko umire ng umire at nakaabang lang mga midwife pero di parin lumabas si baby. 2pm di parin ako nanganganak till i decided na magpadala na sa ospital kase sobrang sakit na at mauubusan na ko ng lakas. Dinala ako sa city hospital which is parang lying in din pala ang paanakan. Still in too much labor pain contractions na halos iniire ko na everytime sumasakit. 3pm dinala na ko sa delivery room then i start pushing again. Ire kung ire at abangers ulit yung isang nurse at midwife. Di parin lumalabas si baby till 6pm na wala parin so they decided to refer and transfer me to another hospital kase baka magdry labor na daw ako at baka ma cs. So inambulansya nila ko to another public hospital na mas malaki at mas madaming doktor. Via emergency napadali panganganak ko. Pinagtulungan nila kong palabasin si baby. Isang doktor ang nagpupush sa tyan ko at isa ang naghihiwa ng pwerta ko at yung ibang nurse nakaabang. 8cm pa lang daw ako nun pero kelangan ko na ilabas si baby at thanks God, baby out at 7:10pm via normal delivery. Para kong nabunutan ng tinik. Kahit sobrang hirap nairaos ko na din ng normal. Iba yung feeling, sobrang life changing talaga. Parang isa ring achievement yung makayanan ko lahat ng sakit. So meet our little bundle of joy, ZEB IAN NICOLAS 3.24kg via normal delivery EDD: Nov. 22 DOB: Nov. 25
39 weeks, mababa na po ba?
Mababa na po ba? 39w1d na po ako. Gusto ko na manganak
38 weeks, mataas pa po ba?
Ang bigat na nya, pero close pa cervix ko. Mataas pa po ba? Nanakit na din mga binti ko kapag naglalakad, pati puson ko sinasalo ko na din kase sumasakit din pag gumagalaw ako
Para sa pangangati o paghapdi ng singit
Share ko lang, eto nirecommend sakin ng OB ko para sa pangangati ng singit. Pang wash po yan, P250 ang ganyang 100ml. I just thought this could help.
Safe ba yung antibiotic sa buntis?
May uti kase ako, kelangan daw matreat bago ako manganak kaya niresetahan ako ng ob ko ng antibiotic. Im 36 weeks preggry.
hiv test
Magkano po kaya magpaHIV test sa mga diagnostic lab
Gamot sa ubo
Ano po ba pwede kong inumin na safe sa buntis, inuubo kase ako naulanan po kase ako eh. Im 28 weeks pregnant