Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Healthy baby soon!✨
BABY'S SLEEP ROUTINE
Hello mga momsh, my lo is 12 days today and sobeang namumuyat siya sa madaling araw. Putol-putol tulog niya as in from 1am-5am tag-iisang oras lang then gigising na tapos dedede ulit. Palagi naman siyang busog bago ilapag and minemake sure ko rin na komportable siya. Magbabago pa po ba kaya ito?? Also, naka dim lights po kami palagi from night hanggang madaling araw. Then sa umaga nakabukas ang curtains. Pero hindi ko alam iif this early na didistinguish na niya ang day and night. Hindi naman siya iyakin pero gigising lang talaga every 1 hr sa madaling araw compared sa umaga tanghali and hapon, na kaya niyang matulog minsan hanggang 3 hours maximum.
BABY OUT, TEAM SEPTEMBER!!
Hello mga mommies!!! Here's my lo via NSD 2.6kilos at exactly 40 weeks♥️. Team September, nanganak na ba ang lahat? Hehehehe. I suggest mga mi wag na paabutin pa over 40 weeks if no sign parin or no labor kasi in my case, naka poop na si baby sa loob kaya need niya i-antibiotic for 7 days🥺. If kaya naman ang option for CS, go mo na mii. And if may induced labor naman go for itt. Luckily eksaktong 40 weeks nag labor na ako kaya di na ako nagpa schedule for CS. Balak sana namin kasi magpa induced or CS lagpas ng 40 weeks, but thank God lumabas siya🥺♥️. Laban lang mga mommies makakaraos din 1 1/2 hours langbako naglabor sakaniya almost then baby out na🤗. Ang next na mission is mill supply huhuhuhu any recommendations paano magka milk?? Pinupump ko dibdib ko wala kaming nakukuha eh, latch din sakin si baby almost every 2 hrs pero wala talaga siyang nakukuha huhuhu TIA
39 weeks and 4 days 5cm no conctraction
Hello team septemberr!! EDD is September 17. Sep 12 ng gabi 10pm nagpa check ako sa hospital sabi 1-2cm palang kaya maglakad lakad daw muna ako. Akala ko pauuwiin agad ako pero sabi hintayin daw si Doc. Around 12am bale Sep 13 na, pag IE sakin sabi 5cm na ako pero malayo pa daw ulo ni baby. Inadvise sakin na umuwi muna that day at bumalik daw kapag may hilab na every 5 minites or pumutok na ang panubigan. As of now, Sep 14 wala parin talagang pain na nararamdaman. Pero kada iihi ako, may vaginal discharge na color yellowish, minsan brown na may halong dugo. Hilab nalang talaga inaantay, pero wala pa. Any advise po?? Patuloy parin naman ako sa paglalakad and squatting. Hopefully makaraos na tayooo🤗🥺
39 weeks today!!!
Sabi nila baby knows best daw talaga kung kailan sila lalabas. FTM here and due ko is Sep 17 pero hindi talaga maiwasang mapraning kaka isip kailan siya lalabas. Masakit na puson ko at palagi ng naninigas tyan ko. Hindi na rin masyadong malikot si baby. Humihilab hilab tiyan ko pero nawawala din kaya di ko masabing labor na talaga yon. Tagtag naman ako sa gawaing bahay at hanggang ngayon nga eh naglalaba parin ako, mga mommies, anyone here malapit na sa due? Hehehehehwh
SSS BENEFITS
Hello po, ask ko lang po sana kung qualified po ba ako sa Sss maternity benefits. Kaka start ko lang po kasi mag work (1st job ever) ngayong Jan 2022 and I found out na preggy po ako EDD ko po is September. Kaso po nagresign ako kasi maselan pagbubuntis ko. If ipagpapatuloy ko po ang bayad ko sa Sss through voluntary until this sep. Qualified po ba ako?