Donita Mae Vidal profile icon
SilverSilver

Donita Mae Vidal, Philippines

VIP Member

About Donita Mae Vidal

Do your best in everything you do.

Posts(20)Replies(43)Photos(10)

True Story Highschool ako noon,taong 2015 tandang tanda ko pa sa gusaling iyon.

Isa akong scholar sa isang Catholic School sa Cavite.Paaralan para sa estudyante at kumbento para sa mga madre.Iba't ibang lugar ang mga pinanggagalingan namin,kaya sa loob ng paaralan/kumbento na kami nakatira.Lahat kami ng batchmates ko ay pare parehong walang alam sa mga kababalaghang nagaganap sa loob ng kumbento na aming pinapasukan.Second Year nang malaman ko ang lahat.Sa gusaling iyon.Kung saan pagsapit ng alas-tres ng madaling araw habang sarap na sarap matulog ang lahat naririnig ko yung tunog ng isang basang tsinelas,paikot ikot sa bedroom.Biglang mapapalitan ng tunog ng kadenang na para bang hinihila.Nagtatayuan ang balahibo ko.Balot na balot ng kumot ang aking katawan,habang patuloy na tumatagtak ang aking pawis.Pinipigilan ang bawat paghinga dahil sa takot na ako ay lapitan.Pagkatapos noon,puyat ako dahil di na ako makatulog Kaya pagsapit ulit ng gabi natulog agad ako nagbabakasakaling makatulog ng maayos.Ngunit mali ako ng akala.Nang maalimpungatan ako,di ko na maigalaw ang aking katawan na para bang may nakapatong sa akin.Kahit takot ako,iminulat ko pa rin ang mga mata ko.Isang anino ng lalaki na sobrang mapupula ang mga mata.Takot na takot ako.Nagpupumiglas ako pero walang epekto di ko maigalaw ang buong katawan ko.Magdadasal na sana ako ng Our Father pero tinatakpan niya ang bibig ko.Pero kahit na takot na takot ako at hinang hina na ako pinilit ko pa rin magdasal at sa awa ng Diyos nabigkas ko ang Our Father.Biglang nawala yung nakapatong sa akin.Nakagalaw ako pero nandoon pa rin yung takot ko.Kinaumagahan napansin ko nalang,wala na akong suit na damit.Sa sobrang takot ko nagsabi ako sa Helping-Sister namin.Sinabi ko lahat ng nangyari at sabi niya matagal na palang nangyayari yun sa school.Marami pa akong na-experience na kakabalaghan sa school,tulad nung kaluluwa ng batang lalaki na laging nasa paanan ng double-deck ko tahimik lang siya,yung double-gonger na ginaya yung dormmate ko,yung smiley face na madre na literal na hanggang tenga ang ngiti.Hindi sila nanakit kaya medyo kaya ko pa.Pero yung pumatong sa akin ang di ko makakalimutan sa lahat ng nangyari sa akin. It still fresh on my mind until now.Habang sinusulat ko ito nagtatayuan pa rin ang mga balahibo ko. #MagandangGabi

Read more
Super Mum
 profile icon
Write a reply