Diodine Love Tapiceria profile icon
PlatinumPlatinum

Diodine Love Tapiceria, Philippines

Contributor

About Diodine Love Tapiceria

full time breastfeeding mom

My Orders
Posts(12)
Replies(14)
Articles(0)

Yung feeling na parang 2 beses kang nanganak ?

NOVEMBER 19, 2020 CHECK UP 3:00 PM currently on my 40th week at nung nagIE nasa 2 to 3 CM pa lang. Binigyan kami ng option ng Doctor to Induce or to wait for a week pero mas delikado kasi baka makakain na ng poops si baby. So we go for Induce. Exactly 6 PM nagpaAdmit na ko sa hospital diretso sa Labor room para iinduce. NOVEMBER 20, 2020 11:24 AM sa tagal ko sa labor room naramdaman ko na rin yung contractions sabi nila antaas daw ng pain tolerance ko and nagpprogress yung pagdidilate ng cervix ko. 6:12 PM 24 hrs na ko sa hospital ? at sa wakas pumutok na panubigan ko. Sinabihan na OB ko and OTW na siya. 9:30 PM still hanggang 9 cm pa lang pero sobrang taas pa din ni baby at di makapa sinabihan na ko ng doctor na baka magCS na kami kasi ayaw na magprogress. Pinatawag ko na din husband ko humirit pa ko "Pwede po ba 1 hr pa kaya ko naman eh wala pa nga po akong epidural ?" pumayag ang OB ko na maghintay pero hanggang dumating lang ang anesthesiologist dinala na din ako sa OR. While waiting biglang humilab tyan ko at napaire ako sa sakit pagIE fully dilated na ko then nakapa ni doc si baby. Nagpush kami for Normal Delivery almost an hour din un pero di talaga siya nababa then suddenly nagdrop ang heartbeat niya kaya naEmergency CS na talaga ako. Paggising ko sinabi ng nurse na buti nagCS kami kasi kundi baka namatay si baby kasi nakapulupot na daw pala yung umbilical cord sa leeg niya kaya pala di nababa tapos my nakain na din siyang konting poops niya. Then nakwento ng husband ko na sa sobrang kaba niya nagpapunta na siya ng makakasama niya kasi nagtatakbuhan daw mga nurse sa OR tapos biglang tumahimik at almost 2 hrs na kami sa loob wala pa din siyang naririnig na iyak ng baby. Thank God kasi di mo kami pinabayaan ng baby ko?? DOB: NOVEMBER 20, 2020 TOB: 11:59 PM W: 2.6 KGS L: 48 CM HAPPY ONE WEEK OLD ZHAVAIA DEANNE VELO TAPICERIA ??♥️? #FirstTimeMom #NovemberBaby #Sharekolang #firstbaby #theasianparentph #pregnancy

Read more
Yung feeling na parang 2 beses kang nanganak ?
 profile icon
Write a reply