Christ Allison Zamora profile icon
PlatinumPlatinum

Christ Allison Zamora, Philippines

VIP Member

About Christ Allison Zamora

First time mom ❤️

My Orders
Posts(22)
Replies(7)
Articles(0)

GENITAL WARTS

Share ko lang mga mamsh since nababasa ko dito yung about genital warts at nag woworried talaga ibang mamshie dito share ko experience ko about jan. 33 weeks nakong buntis ngayon, may genital warts ako nag karoon ako nyan siguro nung nag 2nd trimester ako na pasinsin ko na parang may butlig sa loob ng ari ko sa baba ng daanan ng ihi hinayaan ko baka wala lang after 1 month to be exact nagulat ako dumami hanggang sa nag pa check ako sa hospital samin wala solang specialist dun so nag hanap kame sa iba hanggang sa mag decide yung mommy ko na sa chinese since nabasa nya na cancerous yung genital warts natatakot sya na may mang yari sakin pero that time hindi ko alam na buntis ako after namin pumunta sya OB sa CGH dun ko lang nalaman na preggy ako sobrang saya na malungkot kase need syang gamutin dahil pwede mahawa ang baby after a month nag decide yung mommy ko na tangalin at dumating sa point na sinasabe ng parents ko na baka may mangyari sa baby madali naman daw gumawa iyak ako ng iyak pero good to know sinabi ng doctor nothing can happen especially sa baby ko i am 19 years old lang hehe skl. At yun naka dextrose ako sa hospital tinanong ako nung anesthesiologist ko kung anong gusto ko king epidural or padaanin sa ugat yung anesthesia since kailangan talaga nun dahil sa ari at ang cautery ay pag sunog sa warts. Mas pinili ko ang epidural kahit na alam kong masakit kase nakikita ko sa video. Nung dadalin nako sa OR sobrang kaba kase pa patulugin ako sobrang sakit ng epidural 3 beses inulit kase hindi ko kaya sobrang daming turol sakin dextrose mga gamot na tru dextrose at gamot na iniinom sobrang daming gamot nakakapag alala dahil baka mau effect sa baby pero nilakasan ko ang loob ko para sa anak ko. After the cautery naka catheter ako kase maga yung ari ko at sa sobrang dami mahapdi sya kapag iihi pero after namin makauwe kase 3 days din ako dun nakakalungkot hindo sakop ng PHILHEALTH yung cautery almost 20k nabayaran namin sa CGH. Gumaling naman sya pero ngayon 33 weeks nako nung tinignan ko ari ko sobrang dami nya ?? Tanggap ko na sa sarili ko na hindi ako ma nonormal at mahihinto ako sa school ko, kase meron nadin sa daanan ng baby, clitoris, sa pisngi ng ari at sa iba pang bahagi masakit para sakin na mag karoon nito dahil hindi ko alam saan galing. Pero sabi nakukuha sa partner STI kase ang genital warts infection sya. Pero para sakin okay na ma CS ako kesa mahawa ang anak ko 1st time mom ako and i am turning 20 this dec 25 advance HBD sakin ❤️ Sana maging okay ang baby ko at healthy at sana wag maging cancer since nasa loob na sya. Sa mga mamshie out there na may GW pray tayo always para saatin, sa family at lalo na kay baby ?? Kung may tanong kay free to ask lang hehehehe loveyou all!!! ❤️

Read more
 profile icon
Write a reply