Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mother of A Prince And A Princess
Hair coloring
Okay lang ba na magpakulay at magpakulot ng buhok ang isang breastfeeding mommy?? Salamat po sa makakapansin.. Thank you🙂
Iritable si baby sa right ear nya
Hello mga momshies... Papatulong po sana ako sa inyo, baka po may makakasagot sa tanong ko po... Worried po kase ako sa 5mos old baby boy ko po,.. Hindi ko po kase alam kung anong problema, kung ano pong masakit sa kanya... Kapag po kase nadadagil yung right side ng face nya, hindi ko alam kung sa tenga o sa loob ng tenga.. Umiiyak sya, parang nasasaktan sya..pero di po ako sigurado kung sa part nga po ng tenga nya.. Naaaawa po kase ako kase sobrang iritable sya.. Baka po matulungan nyo po ako.. Salamat po
Chicken Fox
Mga nanay, patulong naman po.. Nahawa po saken ang 4mos old kong baby, may chicken fox po sya ngayon at sobrang dami po.. Sobrang naaawa po ako pero di ko po alam kung anong gagawin ko, patulong naman po😭🙏🙏
Pwede padin po ba magpa breastfeed kapag may chicken fox ang nanay?? Salamat po sa sasagot.. Take care and Godbless🙂
Breaatfeeding Feels
Normal lang ba sa nagpapadede na parang laging pagod at nanlalambot?? Tapos nagttrabaho pa po ako.. Salamat po sa sasagot🙏
Hindi Maintindihang Pakiramdam??
2 mos na po baby ko.. Working nanay po ako.. Mix po ang gamit ko,, mula nung nagtrabaho po ako parang nanlalambot ako, parang nag iinit yung loob ng katawan ko na parang nilalagnat sa loob ng katawan ko, may kinalaman po ba dun yung pagpapa breastfeed ko po.. Hindi po kase ako nagppump.. Pag nasa trabaho ako sa bote po sya nadede tapos pag uwe ko po sa hapon saken naman po sya nadede. Hindi ko po kase maintindihan ang pakiramdam ko.. May sipon na lubog din ako kaso halos 2 weeks na kaya nagwworry po ako. Sana po matulungan nyo po ako. Salamat po. Godbless
Binat
Nung isang araw po pagkapasok ko sa trabaho, nakaramdam ako ng ginaw sa buong katawan kahit mainit naman tapos bigla na lang uminit ang katawan ko..sumasakit din ang ulo ko.. Nabibinat po ba ko?? 2mos na po akong nakakapanganak, tapos nung uminom po ako ng biogesic nawala pero parang nanlalambot ang katawan ko, parang nanlalabo din mga mata ko.. Ang bigat ng paningin ko.. Nagwworry na po ako.. Madami daw po namamatay sa binat.. Sintomas na po ng binat ang nararamdaman ko?? Pahelp po🙏
Sipon At Paubo Ubo
2 mos na po baby boy ko.. Mix milk feeding po sya kase nagwwork na po ako. Medyo may sipon po sya tapos paubo ubo din po pero madalang lang. Tapos sa gabi napapansin ko yung right eye nya nagmumuta.. Pero hindi naman po sya nilalagnat.. Kelangan ko na po ba syang ipa check up. Pahelp naman po. Salamat po.
Halak
Nung nanganak po ako, madami po akong kambal tubig kung tawagin.. Nung nakalabas na po yung baby ko ni pump po yung ilong nya kase madami daw pong tubig, medyo nalunod na daw po. Sa lying inn lang po ako nanganak,, 2 months na po sya ngayon. Baket po kaya ganun? Wala naman po syang sipon pero parang may naririnig po ako sa likod nya tapos parang may halak. Paminsan minsan ko lang po naririnig. Kelangan ko po ba syang ipa check up?? Salamat po sa sasagot🙂
Nabubulunan Kapag Dumedede??
Breastfeed po ako... Nag wworry po ako kase malimit parang nabubulunan yung baby ko na nagiging sanhi ng pag ubo nya.baket po kaya ganun?? Normal po ba yun? Ano pong maaring mangyari kay baby kapag madalas mangyare yun?? Ano po kayang dahilan nun?? Salamat po sa sasagot?