Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Soon to be mom of 2
constipated
Mga mamsh ask ko lang, 4 days na kasi ko di dumumi then kanina nakaramdam ako na nadudumi ako kaso sobrang tigas nya. Napa-ire ako para lumabas na kaso parang nafeel ko na may lalabas din sa pempem ko. 5 months preggy po ako. Totoo ba na kapag umire sa pagdumi pwedeng sumama ang baby? Db need open ang cervix para lumabas ang baby. Salamat po
bleeding at 13 weeks
Mga mamsh may naka experience na ba dito na biglang duguin at 13 weeks of pregnancy. Kagabi kasi naramdaman ko sumasakit tyan ko saka balakang ko tapos umihi ako then pagpahid ko ng tissue medyo madaming blood. Pero today wala naman ng blood kaso may time na sumasakit pa din tyan at balakang ko. Nagpunta kami sa dalawang hospital kaso wala silang OB kapag sunday hayst. Di pa daw kasi to emergency since ndi naman daw continuous yung bleeding. Worried lang talaga ko :(
UTI during Pregnancy
Hello mga mamsh! I'm 13 weeks preggy at ayun nga nagkaron ako ng UTI. Wala namang blood sa ihi ko pero pag pupunasan ko ung pempem ko kada iihi ako may blood sa tissue. Niresetahan ako ng antibiotic ni OB ko kaso nagdadalawang isip ako inumin. May naka experience na ba dito na nagkaron ng uti habang preggy? Uminom po ba kayo ng antibiotics? Salamat po
Sumasakit tagiliran
Mga momsh is it normal ba na sumasakit gilid ng tyan sa bandang kaliwa. Mawawala ung sakit then after ilang minutes masakit ulit. 11 weeks preggy po ako. Nag woworry lang ako talaga saka medyo stress kasi sumasabay ung sakit saka sinisikmura ako. Hirap ng maselan ang pagbubuntis :(
WRONG EDD sa TransV?
NagpaTRANSV po ako 3 weeks ago so nung time na yun lumabas na 8 weeks and 2 days preggy ako kaso bakit kaya yung EDD na nakalagay is June 17, 2020 dba parang ang aga naman ata nun. May nagkakamali ba ng type sa TransV? Parang gusto ko tuloy magpa-TransV ulit. Ngayon 11 weeks na ko based sa transV ko 3 weeks ago. Super selan ko ngayon kahit ano kainin ko sinusuka ko lang saka pagdating ng hapon hanggang gabi lagi masama pakiramdam ko saka everyday sinisikmura. Any tips po mga mommies para malessen yung nausea and vomitting. Salamat po ng marami!