Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Strong Mom ❤️
Very Good Si Baby ♥️
Share ko lang experience ko mommies. Bago ako manganak sobrang conscious na ko sa tyan ko kasi ang laki laki daw, kaya lagi ako napapaisip na baka ma-cs ako, mahirapan ako manganak, hirap pa naman kasi stay at home lang, which is target ko lying in lang talaga ako manganganak kasi ang mahal manganak ngayon sa hospital because of the pandemic. But my little one sobrang bait. 🥰☺️ August 12 ng 5am nagising ako dahil ang sakit ng puson ko at naninigas chan ko, pag cr ko may lumabas na buong dugo. So expected ko na maglelabor na ko. Punta ko ng lying in ng 8am, 3cm pa lang daw so uwi muna ko. Nakikiramdam ako sa interval ng paghilab. Masakit siya pag humihilab pero tolerable. Mga 5:30pm nagstart na yung grabeng contractions ko, so mga 6:30pm nakarating kami ng lying in, 6:45 lumabas kagad si baby. Gulat na gulat partner ko at si mama kasi sobrang bilis. Di talaga ko pinahirapan ng baby ko! 🙏😇🥰 France Allery Atienza 2.9kgs via normal delivery 37 weeks and 4 days
Labor Na Ba To? ☺️☺️
Feeling ko manganganak na ko. Nagising ako kasi sobrang sakit ng puson ko at tigas ng chan ko. Pag ihi ko, may lumabas na buong dugo. Di ko alam kung ito na to, pero nakikiramdam ako, pag panay panay na sakit, baka manganak na ko. Please pray for us mommy na maging successful ang delivery! 🙏😇
Labas ka na babyyy 😇
Stock pa din sa 2cm pero malambot at open na cervix. Labas ka na babyy. Gusto ka na makita ni mama. August 23 ang due ko. ☺️
Mababa na po ba?
38 weeks na po ako, and as of kahapon open cervix na, 2cm. Mababa na po ba? Gusto ko na makita si baby. 😔☺️😁
38 Weeks
Sabi po ng midwife, malaki daw chan ko. Pero based sa BPS utz ko nung july 30, 3.1kgs siya. Pero kasi sa first baby ko, 3.7kgs din siya nung manganak ako. Mejo may kalakihang babae din kasi talaga ako. In-ie naman na ko kanina, open cervix at currently 2cm. Di naman po siguro ako ma cs diba? Natakot kasi ako nung sinabi na malaki tyan ko hehe. Di na nga ako masyado nagrarice 7mos pa lang.
Malapit na Baby 💖
Doctora: Open cervix ka na. 2cm na. Inom ka ng buscopan at primrose at insert sa pwerta every 4 hours. Pwede ka ng bumalik anytime makaramdam ng labor. Me: 🤩😍🥰🙏 sobrang lapit mo na sa katotohanan babyyyy. 💖💖💖
Pineapple Juice
Totoo po bang nakakapagpalambot ng cervix ang pineapple juice? 37weeks and 4days preggy. Safe na po ba uminom ng pineapple juice?
BPS, CBC AND URINE Result
Mga mommies. Help nyo naman po ako. Ano po ibig sabihin ng results ko? Thank you po. Wala po kasi nasabi tungkol sa lab results ko eh. Pero according sa bps mukhang normal at good naman si baby. Patulong na lang po hehe. Thank you mga mommies.
Ultrasound
Ano pong mas recommended? BPS ultrasound or pelvic?
36 Weeks And 3 Days
Grabe yung paninigas ng chan ko. Sobrang sakit. Naffeel ko na nahihirapan ako huminga. Siksik na din ng siksik sa puson ko. Lord gabayan nyo po sana kami ni baby, sana mairaos ng normal at healthy, pati po lahat ng mommies na nagbubuntis ngayon. 🥰🙏