Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
11.4 K following
GIRL or BOY
gusto ko lang maspoil. di pa kasi ganun ka-kita yung gender pero ano po kaya sa tingin niyo based on these pictures? thank you po #20weeks #pregnancy
hello po mga mii ask ko lang po normal lang po ba na nakirot ng sobra yung bandang puson??
sana po may makasagot thankyou 20weeks preg po
Suhi si baby at 18weeks.
Is it normal na at 18weeks nakatalikod si baby sa ultrasound? Nung last na transv ko at 13weeks kasi nakatalikod na sya. Then this last sunday follow up check up ko, hindi nadetect ng doppler yung hb ni baby so ang ginawa ni OB nagpelvic ultrasound kami, ayun nakatalikod daw kasi sya kaya di madetect ang hb + mapuson pa ako since then.
Hirap makatulog
Hello po 20 weeks preggy po here ftm mag aask lang po sana ako about sa pag tulog po, di po kase ako nakakatulog ng ayos eh. Like minsan 4 am na ko nakakatulog minsan naman 5 am na, wala naman ako ginagawa para ma keep na awake ako ng ganon sadyang hindi lang ako makatulog. Okay lang po kaya yon? Ano po kaya ang dapat kong gawin?
20weeks Pregnant FTM
Normal ba di pa masyado halata baby bump at this stage? Meron na bump pero di pa masyado halata busog lang ganern 🤣🤣🤣 next check up is Aug 2 pa pinapabalik ni OB, Thank you
Sciatica & Vertigo
Sino papo nakakaramdam ng numbness mula sa hips hanggang sa tip ng toes minsan ang sakit huhu tapos sasabayan ka ng sobrang pagkahilo na halos nasusuka kana🥲 #sciatica #sciaticanervepain #Needadvice #pregnancy #19weeks #Vertigo
Super bloated madalas
Hello mommies sino po dito sainyo madalas bloated? ung tipong parang puputok ung tyan ang hirap huminga..😅..ano pong ginagawa nyo para mawala? thank you..17weeks pregnant..
18weeks preggy
Sino na ang 18weeks preggy dito pero di pa masyadong maramdaman ang kilos ni baby? normal lang ba to?
Para sa Aking Munting Pag-asa 🩵
Mahal kong anak, Ngayong sinusulat ko ito, ramdam na ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Pasensya ka na, anak. Pasensya kung ganito si Nanay ngayon, mahina, laging pagod, at mas maraming luha kaysa ngiti. Hindi ko rin minsan maintindihan ang sarili ko. Pero isa lang ang malinaw, hindi kita pinagsisisihan. Alam ko, nabuo ka sa hindi perpektong panahon at sa isang sitwasyong maraming tao ang hindi makakaintindi. Pero kahit ganoon, ikaw ang pinili ko. Masaya ako noong nalaman kong nabubuo ka sa loob ko. Masaya ako dahil may bunga ang pagmamahalan namin ng tatay mo, kahit pa ito’y hindi nagtagal gaya ng inaasahan. Sa totoo lang, anak, mahal ko ang tatay mo, mahal na mahal. Binigay ko ang lahat, at marahil, doon ako naging marupok. Pinangarap kong buo tayo, sabay ka naming hinintay at salubungin ka sa mundo. Pero hindi ganon ang nangyari. Iniwan ako ng realidad, at ngayon, mag-isa kong nilalabanan ang sakit. Hindi ko sinasadya na maging makasarili. Minsan inuuna ko ang sarili kong lungkot at sakit at nakakalimutan kong may isang maliit na buhay sa loob ko na tahimik lang na nangangailangan. Pasensya na, anak. Pero gusto kong malaman mo, ikaw ang dahilan kung bakit pilit pa rin akong lumalaban. Hindi pa kita nahahawakan pero mahal na mahal na kita. Ikaw ang liwanag sa lahat ng dilim na pinagdaraanan ko ngayon. At kahit hindi ko alam kung paano haharapin ang lahat, ipinapangako ko, gagawin ko ang lahat para sa’yo. Ipaglalaban kita, aalagaan kita, at mamahalin ko ang sarili ko, dahil kailangan mo ako. Alam ko rin na mahal ka ng tatay mo, pero magulo lang ang mundo niya ngayon. Kaya pinili ko munang lumayo, hindi para ipagkait ka, kundi para mas maprotektahan kita habang mahina pa si Nanay. Darating ang araw na magiging mas matatag ako, at mas maibibigay ko ang mundong nararapat sa’yo. Kaya anak, habang nandiyan ka sa loob ko, sana maramdaman mo kung gaano kita kamahal. Sana maramdaman mo na kahit lumuluha si Nanay, araw-araw niya pa ring pinipili na mabuhay, para sa’yo. Ikaw ang pag-asa ko. Ikaw ang dahilan ng lakas ko. Ikaw ang munting himala ko. Mahal na mahal kita, anak. At ipapangako ko sa sarili ko, hinding-hindi kita pababayaan. – Kay Nanay, na patuloy na lalaban para sa’yo 🌻
You Made Me Live Again 🎶 Song by Janet Basco
I was down and out and feelin' so low You took my hand and eased my mind I was astray, you showed me the way And now I finally found my home in you I still recall the times I've been through Confused, didn't know what to do I almost gave up but you gave me hope You've made me strong as the days went on You made me live again I was lost in the dark With my lonely, broken heart Then you came along You took me home And made me your own You were always there to lend a helping hand When good friends were hard to find When things went wrong, you made them right You've made my days so bright You made me live again I was lost in the dark With my lonely, broken heart Then you came along You took me home And made me your own Now look at me Yes, a different me Back on my feet again I'm not afraid to face the world again 'Cause you taught me how to be strong You made me live again You made me live again