Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
15.5 K following
Sciatica & Vertigo
Sino papo nakakaramdam ng numbness mula sa hips hanggang sa tip ng toes minsan ang sakit huhu tapos sasabayan ka ng sobrang pagkahilo na halos nasusuka kana🥲 #sciatica #sciaticanervepain #Needadvice #pregnancy #19weeks #Vertigo
Super bloated madalas
Hello mommies sino po dito sainyo madalas bloated? ung tipong parang puputok ung tyan ang hirap huminga..😅..ano pong ginagawa nyo para mawala? thank you..17weeks pregnant..
18weeks preggy
Sino na ang 18weeks preggy dito pero di pa masyadong maramdaman ang kilos ni baby? normal lang ba to?
Para sa Aking Munting Pag-asa 🩵
Mahal kong anak, Ngayong sinusulat ko ito, ramdam na ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Pasensya ka na, anak. Pasensya kung ganito si Nanay ngayon, mahina, laging pagod, at mas maraming luha kaysa ngiti. Hindi ko rin minsan maintindihan ang sarili ko. Pero isa lang ang malinaw, hindi kita pinagsisisihan. Alam ko, nabuo ka sa hindi perpektong panahon at sa isang sitwasyong maraming tao ang hindi makakaintindi. Pero kahit ganoon, ikaw ang pinili ko. Masaya ako noong nalaman kong nabubuo ka sa loob ko. Masaya ako dahil may bunga ang pagmamahalan namin ng tatay mo, kahit pa ito’y hindi nagtagal gaya ng inaasahan. Sa totoo lang, anak, mahal ko ang tatay mo, mahal na mahal. Binigay ko ang lahat, at marahil, doon ako naging marupok. Pinangarap kong buo tayo, sabay ka naming hinintay at salubungin ka sa mundo. Pero hindi ganon ang nangyari. Iniwan ako ng realidad, at ngayon, mag-isa kong nilalabanan ang sakit. Hindi ko sinasadya na maging makasarili. Minsan inuuna ko ang sarili kong lungkot at sakit at nakakalimutan kong may isang maliit na buhay sa loob ko na tahimik lang na nangangailangan. Pasensya na, anak. Pero gusto kong malaman mo, ikaw ang dahilan kung bakit pilit pa rin akong lumalaban. Hindi pa kita nahahawakan pero mahal na mahal na kita. Ikaw ang liwanag sa lahat ng dilim na pinagdaraanan ko ngayon. At kahit hindi ko alam kung paano haharapin ang lahat, ipinapangako ko, gagawin ko ang lahat para sa’yo. Ipaglalaban kita, aalagaan kita, at mamahalin ko ang sarili ko, dahil kailangan mo ako. Alam ko rin na mahal ka ng tatay mo, pero magulo lang ang mundo niya ngayon. Kaya pinili ko munang lumayo, hindi para ipagkait ka, kundi para mas maprotektahan kita habang mahina pa si Nanay. Darating ang araw na magiging mas matatag ako, at mas maibibigay ko ang mundong nararapat sa’yo. Kaya anak, habang nandiyan ka sa loob ko, sana maramdaman mo kung gaano kita kamahal. Sana maramdaman mo na kahit lumuluha si Nanay, araw-araw niya pa ring pinipili na mabuhay, para sa’yo. Ikaw ang pag-asa ko. Ikaw ang dahilan ng lakas ko. Ikaw ang munting himala ko. Mahal na mahal kita, anak. At ipapangako ko sa sarili ko, hinding-hindi kita pababayaan. – Kay Nanay, na patuloy na lalaban para sa’yo 🌻
You Made Me Live Again 🎶 Song by Janet Basco
I was down and out and feelin' so low You took my hand and eased my mind I was astray, you showed me the way And now I finally found my home in you I still recall the times I've been through Confused, didn't know what to do I almost gave up but you gave me hope You've made me strong as the days went on You made me live again I was lost in the dark With my lonely, broken heart Then you came along You took me home And made me your own You were always there to lend a helping hand When good friends were hard to find When things went wrong, you made them right You've made my days so bright You made me live again I was lost in the dark With my lonely, broken heart Then you came along You took me home And made me your own Now look at me Yes, a different me Back on my feet again I'm not afraid to face the world again 'Cause you taught me how to be strong You made me live again You made me live again
Mga Mii may ask lang ako
Pwede magpa check up sa ibang Ob kahit one time lang para makakuha medcert. Balak ko na kasi mga Mii mag Loa Sana at mag early leave na 2 months before due date ko possible kaya makakuha medcert sakit na kasi balakang ko at puson ko kakaupo bale working parin ako work at home call center
Body lotion and skin care
Ano po yung lotion and skin care na pwede sa preggy and bf mom? Yung glutalight glow ba na face and body lotion is safe for pregnant?
Philhealth
Hello po! Magkano po kaya babayaran ko sa philhealth sa december po ako manganganak. Simula po nung january wala pong hulog yung philhealth ko, ilang months kaya pwedeng bayaran para ma 0 bills sa hospital? Sana po masagot. Thankyou po.
Naglalaway
Mga Mii normal lang ba to naglalaway ako Panay dura 16 weeks pregnant. Pano kaya to mawawala
Gestational Diabetes
Hello mga mommies. Meron ba dito na same experience ko na every FBS at breakfast mataas pa din ang sugar? Before insuget N lang iniinject ko. Ngayon mix na sya sa insuget R. Pero same pa din. Laging over 90+ ung FBS tapos sa breakfast nasa 150+ pa din. Sinunod ko naman yung dietician. ½ cup lang ako ng rice every meal. 3 meals a day and 2 snacks. Hindi nako nakain ng snacks ko. Minsan lang talaga may oras o araw na hindi ko na napipigil kumain ng medyo madami kasi sunod sunod ung gutom ko dahil 18 weeks pregnant. Baka meron kayong mabibigay na tips. Thank you.