





Heartbeat ni baby, kelan nyo naramdaman?
Hello mga mii, kelan nyo po naramdaman ung heartbeat ni baby? First time mom po ako, actually nakunan na po ako before di sya talaga nagkaheartbeat nagstop development nya ng 7weeks tas nakunan ako ng 11weeks. Ngayon po 14weeks na ko at base naman po sa mga previous ultrasound ko healthy heart rate naman si baby. Pero napapraning po ako lalo at nakunan na ko before. 14weeks na ko pero wala ako maramdaman na tibok. Sabi kc nila meron daw pintig sa puson. Ako wala ako maramdaman. Di ko alam kung sa taba ko ba to, di ba ko talaga makaramdam o nararamdaman ko pero akala ko heartbeat ko un. Pasensya na mga mii, nakakapraning lang po talaga kc nakunan na ko dati. Meron po ba sainyo na late nyo din naramdaman ung heartbeat ni baby? #firsttimemom #AskingAsAMom #Needadvice #AskingAsAnewMom #pregnancy
Read more

