Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
30.4 K following
Formula Feeding Gaano Kadalas
For 3 month old baby, I have read na kaya nila around4-6 ounces of formula milk and frequency is every after 3-4 hours pero si baby ko around 3-4 ounces lang kaya and hindi rin po every 3-4 hours frequency. Mejo tumatagal pa minsan. Normal po ba na hindi matakaw ? Okay pa rin naman po timbang nya and hindi sya payatot. Nagpoo poop rin po daily.
I am wrong po ba?
Hello mga mie, sharing lang po. Thankful ako kay MIL na andiyan siya para bantayan si baby. Kaso sa bawat araw na paghatid namin kay baby sa kanya. Tinatanong niya ako kung bakit ang baba ng ounce na ibinigay ko kay baby. Accdg sa feeding table ng milk powder kasi dapat asa 5 to 6ounce na siya na good for every 5hrs. Ang ibinigay ko ay 4ounce lang kasi si LO hihingi siya every 2 to3 hrs. Kaso madalas sa kanyang 2 hrs. Kesyo ginugutom ko daw si LO,or mas oke daw dagdagan para mahaba tulog. Which is mahaba naman matulog si LO ko minsan ako na gumigising parang padedehin siya. Sometimes nasasaktan na din ako kasi lagi ko naman ipinapaliwanag na galing siya sa pure bf ng almost 2months tapos laging nagdedemand si baby kaya oke lang na ibigay ko ay 4ounce. Minsan lumalayo na lang ako at ningingitian ko na lang siya. Kasi ayaw ko sumagot kay MIL baka kung ano pa isipin niya. Alam kong concern sila but to the point na ramdam kong hindi ako ang nanay😅
About immunization
Hello mga mamash, sino po dto nakaexperience ipabakuna si baby kahit may ubo? Ok lang po kaya? Nagsabay kasi sched ng follow up check up sa private pedia at bakuna ni babay sa center ng tuesday. Eh pang 2nd immunization palang po ni baby ko pero 3 months na sya. Ipapawednesday ko na sana ung kay pedia. Okay lang po kaya mabakunahan siya? Di ko kasi makontak si pedia doc. Nagtetake po si baby ng salbutamol syrup e. Thank you sa makakasagot.
Pwede po bang mag pabunot ng ngipin ang 3 months postpartum at pure breastfeed
Nanlalagas na buhok
Mga mmy, kaka-3 months palang ng baby ko. Pero bakit nanlalagas ang buhok nya? Ano remedy nyo nito mmy? May epekto po ba kinakain ko bf po kasi sya. #firstbaby #advicepls #pleasehelp #firsttimemom #firstmom #FTM
Baby carrier
Tanong lang po mga mommies puwede na po ba si baby gumamit ng ganitong carrier mag 3months po siya bukas feb 25 salamat po sa sasagot🙂
3months baby tumagilid stroller kasama sya
Hello po tanong lang po ako worried po kasi ako. Dumulas po yung stroller ng baby ko tumagilid po kasama sya sa sahig wala naman po sya bukol namula lang saglit yung sa may ulo nya pero nawala din po may gasgas din po sya sa tuhod na maliit pa advice po dapat po ba ako magalala ano po dapat gawin. Salamat po
Infection??
NAGKAROON DIN PO BA GANITO ANG L.O NYO? LAGE KO PO YAN NILILINIS START NUNG NAAAMOY KONG MEDYO MABAHO AY DRY NA DRY SYA. TAPOS PAG TINGIN KO NGAYON GANYAN NA SYA 😭PAHELP NAMAN PO ANO PO BA YAN😥
Mannerism?
Mga mamsh 3 mos old na si baby mahilig sya kumamot sa ulo nya sa bandang bunbunan kaya hindi ko maalisan ng mittens kasi nsusugat ny Natatakot ako. Meron ba sainyo ganun dn? Pano kaya mawawala kay baby un
dipa dinadatnan
PTP: 3mos.and 19days na ako nakapanganak via cs pero dipa rin dinadatnan,mix feed po ako. Safe ba sa maagang pagkabuntis ulit? Thanks.