Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
30.8 K following
Baru-baruan
Sino po my gusto bilhin mga nagamit ng baby q n baru baruan? Di po mxdo nagamit kc mblis po lumaki. Mga 500 n po lhat iyon. Message po kau s number n 09454033688
Medyas kay baby
Sa mga 3mons old ang baby jan, minemedyasan niyo pa ba si baby sa gabi kahit mainit ang panahon?
Sharing lang po
Hello mga mie, magshare lang po ng sama ng loob. Ngayon kasi inis ako sa lahat lalo na kay husband. Inis na kasi siya sa akin,iretable na siguro kasi sabi ko wag ganito (nagpopoint ako about LO) kaso minamasama niya kasi mukhang nacocorrect ko siya,which is not in positive niya tinatanggap. Kaya last night napuno na ako. Ung sinungitan lang naman niya ako dahil sabi ko sa kanya na wag sanayin si LO sa ganoong paghile kasi baka hanapin niya yan e mahirap mag hile sa gabi. Sagot sa akin "ikaw kaya ang gumawa" at noong kinukuha ko naman ay "ang ingay ko daw at iniistorbo ko si LO na patulog na". Lumabas ako nagrelease ng sama ng loob. Pagpasok ko sa kuwarto kinuha ko si LO kasi hindi pa nman niya napatulog at ako na mismo nagpatulog. Ngayon narealize ko na ganun ba siya, e noong mga unang buwan ni LO ako lang lahat. Ni hindi nga ako makatulog noon at puyat,pagod at stress dala ko na. Na sa tuwing umiiyak si LO sa madaling araw ay ni hindi man lang siyang nagigising,kailangan ko pa siyang gisingin,minsan inaabot talaga ng minuto bago siya tumayo at kargahin si LO. Minsan buhat pala niya si LO ng nanaginip pa pala. CS pa ako noon. Kaya doble na din ang hirap ko. Ngayon parang traumatize na ako sa naging experience ko. Siya ang nagsabi dito ako manganak sa lugar nila nag yes ako,akala ko may makakasama ako sa pag aalaga un pala wala. Kahit tulog lang sana makuha ko ay wala din. Kaya ito ung sakit bumalik ulit sa akin. Ung iniiyak ko bawat gabi dama ko ulit. Ngayon nagclash kami to the point na ayaw ko na gusto ko makipaghiwalay
Ano yung mas malambot pa na nipple sa pigeon?
Hi mga ka moms, ano pa yung mas malambot na nipple sa pigeon?thanks
mga mii ask ko lng ang recommend kasi ng pedia ni baby is NAN 1 HA dahil may alergy day sya sa dati
niyang gatas then ang nabili ni mr. is NAN SENSITIVE okay lng kaya na ipainom ko kay baby?
Menstruation
hello po, kelan po kaya mag kakamenstruation after manganak? mixed fed po
Formula Feeding Gaano Kadalas
For 3 month old baby, I have read na kaya nila around4-6 ounces of formula milk and frequency is every after 3-4 hours pero si baby ko around 3-4 ounces lang kaya and hindi rin po every 3-4 hours frequency. Mejo tumatagal pa minsan. Normal po ba na hindi matakaw ? Okay pa rin naman po timbang nya and hindi sya payatot. Nagpoo poop rin po daily.
I am wrong po ba?
Hello mga mie, sharing lang po. Thankful ako kay MIL na andiyan siya para bantayan si baby. Kaso sa bawat araw na paghatid namin kay baby sa kanya. Tinatanong niya ako kung bakit ang baba ng ounce na ibinigay ko kay baby. Accdg sa feeding table ng milk powder kasi dapat asa 5 to 6ounce na siya na good for every 5hrs. Ang ibinigay ko ay 4ounce lang kasi si LO hihingi siya every 2 to3 hrs. Kaso madalas sa kanyang 2 hrs. Kesyo ginugutom ko daw si LO,or mas oke daw dagdagan para mahaba tulog. Which is mahaba naman matulog si LO ko minsan ako na gumigising parang padedehin siya. Sometimes nasasaktan na din ako kasi lagi ko naman ipinapaliwanag na galing siya sa pure bf ng almost 2months tapos laging nagdedemand si baby kaya oke lang na ibigay ko ay 4ounce. Minsan lumalayo na lang ako at ningingitian ko na lang siya. Kasi ayaw ko sumagot kay MIL baka kung ano pa isipin niya. Alam kong concern sila but to the point na ramdam kong hindi ako ang nanay😅
About immunization
Hello mga mamash, sino po dto nakaexperience ipabakuna si baby kahit may ubo? Ok lang po kaya? Nagsabay kasi sched ng follow up check up sa private pedia at bakuna ni babay sa center ng tuesday. Eh pang 2nd immunization palang po ni baby ko pero 3 months na sya. Ipapawednesday ko na sana ung kay pedia. Okay lang po kaya mabakunahan siya? Di ko kasi makontak si pedia doc. Nagtetake po si baby ng salbutamol syrup e. Thank you sa makakasagot.
Pwede po bang mag pabunot ng ngipin ang 3 months postpartum at pure breastfeed