

Hello mga mommies! Just wanna ask something. Sobrang napaparanoid na po kasi ako as in parang lahat ng klaseng pagsesearch eh ginawa ko na po pero hindi pa rin ako kuntento 😭 So, eto na nga mga momsh, last August 23 nagfamily planning ako, nagtake din ako ng pills nung mismong araw na yan. Same night a few hours after ko uminom I decided to stop. The reason is binigyan ako ng center ng Femme pills (Levonorgestrel+ Ehtinylestradiol) and upon searching and through my mother's experience, nalaman ko na masama pala siya sa breastfeeding. (Di ko rin alam kung bakit ayun yung binigay ng center 🥲) Sakin pa po talaga ang main source ni lo ng gatas as in di pa po siya nakapagtry ng any formula. She's already 1year and 4months, all out sakin pa po mga momsh. So ayun na nga mga mi, last August 23 then yung sumunod is August 27 na. (3days ang pagitan) Kaya ako napainom kasi gusto ni mister makipag-DO, as in ayoko talaga but he insisted na magpills na lang daw ako before kami mags*x. So I did, I took the pills before kami mag-DO. Napapayag na ko kasi, swear to God, simula ng manganak ako bilang lang sa daliri ko yung mga nangyari samin most of the time ayoko talaga or masama loob ko kasi nga ayoko mabuntis 😭 which is naiintindihan naman niya. Meron lang talagang needs ang mga lalaki. Balak kong uminom ulit after 12 hours nung last na inom then take ulit after another 12 hours then back to regular na inom na the next day for 1week. (What I mean by regular is same time nung last na inom ko) Yes, for 1week lang kasi nga di siya good for bf moms 🥲 Mga mommies gusto ko lang malaman if tama ba yung pinaggagawa ko 😭 Safe ba ko? Kasi ayoko ngang mabuntis 😭 Though, withdrawal naman ginawa ni mister pero kasi napaparanoid na talaga ko 😭 Ayokong mabuntis and ayoko naman ring uminom ng pills na ikakasama ng anak ko kaya as much as possible parang ayoko na lang muna uminom ng pills hangga't nadede pa siya sakin. May ibang pills na pwede sa bf moms upon searching pero kasi mostly daw hindi nireregla, eh paranod nga ko 😭 What if nag-DO ulit kami tas di ako dinatnan kahit na continue using yung pills na yun. Baka mabaliw ako mga mi 🥲 Kaya help me po! I need your suggestions po if tama po ba yung gagawin ko. 🥲 P.S. Ayoko na makipag DO 😭 Nakakatraumatized 😭🤣 Siguro kung makikipag DO man ulit next month na after ko reglahin para sure na safe 😅 Pero kung uulit man baka ganto ulit gawin ko kaya please help 🥲 #pleasehelp #advicepls #respect
Read more



