Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
19.2 K following
Postpartum Bleeding
Hi mommies CS-mom here, 8weeks and 1 day postpartum, Ask ko lang may instance ba dito naka-experience nagstop yung postpartum bleeding going to 7th week then after a week nag recur siya? Thanks
Sipon at ubo na ma plema pasagot naman po ano po gamot sa 2months old baby ko
May sipon po Kasi baby ko pero di naman laging lumalabas pag nababahing lang Siya tas yung ubo naman ni baby may parang plema pag nalungad Siya Yung lungad niya parang may malagkit katulad Ng sipon ano po kaya Ng gamot na pwede inomin niya na mabibili sa botika or kahit Anong gamot wala Kasi pediatrician bukas sa center sa next week pa pahelp naman po sa may alam please po
Bukol sa may pwerta
Mga mii, 2 months na mula nung nanganak ako. Normal delivery, hanggang pwet ang tahi ko. Neto lang April 2 nagLbm ako, then pag ire ko maya maya nag ka ganito parang Laman na lumabas at sobrang sakit. May same case ba sakin dito?
Nanginginig si baby after mag nebulizer
Hello po 2 months old po si baby after po nya mag nebulizer nanginginig po paa nya and ambilis po ng tinok ng puso nya. Normal po ba yun? Thank youu
From S26 Pink to Nestogen 😍
Grabe nakakatulog na ng ayos ang baby ko. Sa S26 kasi lagi syang kinakabag.
Ganto den ba poop ng newborn niyo
Ganto den ba poop ng newborn niyo sa mga breastfeed mom?
Sino po dito nag ka Jaundice baby nila?
Sino po dito may jaundice baby? Nanganak kasi ako ng March 28, 2025 at hindi agad kami nakalabas ng hospital gawa ng sinalinan ako ng dugo dahil madaming nawalang dugo saken so hindi sya napaarawan agad. Then after ilang days napansin ng live in partner ko yung eyes na madilaw dilaw una akala namin dahil sa ilaw ng ob ward pero nag consult paren kami sa pedia nya then pinakuhanan sya ng dugo para makita kung gaano kataas yung bilirubin nya from 12 bilirubin 3 days phototherapy to 13.55 bilirubin. Ftm btw, pina admit na sya ng pedia kasi imbis na bumaba e tumaas ngayon mag stay pa kame ng 7 days sa hospital for antibiotics. Pwede den ba maka apekto yung naka poop na si baby sa loob ng tummy ko bago sya naka labas? Nag woworry kasi ako, di maktulog at makakain lagi den akong praning😭
Tanung lang mga momei
Kelan pwdeng magkipag talik Kay mister?? 1month and 19 days na po Ako at breastfeeding po
pabalik balik lagnat
Hello po mga mi, meron po ba sainyo nakaranas si baby 2months old nilagnat 37.9°C tapos nung gani biglang baba ng temp 37°C tapos nung chineck ko ulit biglang 38.6°C hindi naman mainit mga hita at kamay bakit po kaya ganun? sana po may makatulong salamat po
Sino naka experience na dumugo pusod ni baby natanggal na sya 2 days after ngayon dumugo
Siguro nasasagi pag nagpapaburp ako sa kanya.Ok lang kaya pusod nya nag aalala kase ako.