Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
37.7 K following
Bad news, need advice
Hi mga mommies, itatanong ko lang po kung saan po kaya may murang DNA testing, yung side po kasi ng tatay ng baby ko may issue sakin, hindi po nila matanggap si baby kasi baka raw po iba ang ama. Ako po ay willing magpa DNA saan po kaya mura? Para rin po sa ikakabuti ng anak ko.
15 month old baby - Bath Time
Ask ko lang mga mommy, nagpapainit pa ba kayo ng water for baby kahit 15 months na?
Milk formula
Hello mga mi, suggest naman po kayo ng gatas para sa 1 year and 2 months old na baby. Underweight po kasi si baby ko nag try na sya ng lactum pero hindi parin sya tumataba.
Teeth at 16 months
Mga mi yung baby ko 6 palang ngipin mag17 months na sya this june. Okay lang ba yun? Need ko na ba sya ipacheck?
Hello mga mi
Hi mommies tanong ko lang po may nakain kasi si baby ko na 14 months old na hindi namin alam kung nalawayan ng pusa, ano po kayang pwedeng gawin?
Nrmal lang po ba na mainitin ang ulo ng ina?Madalas kasi maiksi na pasensya ko, napapalo ko anak ko
Pospartum rage
Ayaw kumain ng solid food ni toddler pag ako nagpapakain gusto dumede
Palabas lang ng sama ng loob Haiii pag ako lagi nagpapakain sa anak ko laging kakaunti lang kinakain nya mas gusto nya dumede sakin. Kahit pag naglalaro kmi bigla ttigil gusto lang dumede. Basta pag nakkita nya ko gusto lang nya nakadede sakin. E kakaunti na din ung gatas ko pinagfformula na nga sya ng pedia kasi mababa timbang nya at napakasakitin nya buwan buwan may sakit kasi kulang na daw tlaga ng nakkuha sakin na nutrition kahit may vitamins na sya. Pag nanay ko nagpapakain sakanya halos maubos nya kinakain nya. E hindi naman all the time pede ung nanay ko syempre may ginagawa sya at kakain din sya. Minsan naiisip ko na iwanan anak ko para kumain at dumede na sya ng formula o sa bote. Pero hindi yun possible samin kasi di na kaya alagaan ng nanay ko magisa anak ko asawa ko lagi nasa trabaho nakakapagod na. Gusto ko naman na malambing sakin anak ko at attached sya sakin. Kaso kasi pag ganito di na healthy sakanya naawa ako kasi ang payat nya pero sobrang sigla at likot naman nya. Gusto ko na sya maggain ng weight kasi konti nalang tlaga underweight na sya kaso pano ko naman ggawin yun kung parate gusto nya dede lang sakin. Haiii nakakaiyak na gusto ko lang maging healthy anak ko.
NAGTATAE yung baby ko 4 na araw na
mga mi normal lang ba na apat na araw ng nagtatae anak ko, kulay yellow na mejo watery , 2 hanggang 3 beses sa isang araw sya kung tumae, dapat ko na bang ipa check up sana masagot agad
Breastfeeding
Hello mga mommies👋 first time mom here and breastfeeding po baby ko. 1 year and 4 months na po anak ko. Ask kolang kung normal ba humihina na supply ng gatas kapag nag gogrow na yung anak? Dati kasi sobrang lakas ko mag gatas lalo na nung newborn sya. Problema ko lagi basa damit ko. Ngayon grabe sobra wala na yata masipsip kasi masakit na. Pinapa formula kona sya medyo ayaw pa nya. Pero kung normal talaga humihina na gatas. Ifull formula milk kona pala sya hehe. Salamattt sa sasagot and time sa pag basa mga mommies 😊
Injectable Family Planning
Anyone here po na injectable? March 13, 2024 nagpa inject po ako. Dinugo po ako april 24, 2024 until now po May 8, 2024 dinudugo pa din ako. May nakaranas ba dito ng ganito?