Ano yung mga maliliit na bagay na iniyakan nyo habang buntis kayo?

Yung sakin, nalate ng bigay ng food yung asawa ko ng mga 2 hrs since nagising ako. Tapos gutom na gutom na ako. Hindi ako makakuha ng food ko kasi total bed rest ako noon. Tapos pagdating nung food umiyak ako habang kumakain kasi feeling ko kawawang kawawa ako. Pag naaalala ko ngayon natatawa na lang ako pero nangyayari pa din to hahaha hindi naman ako pinapabayaan ng asawa ko pero awang awa ako sa sarili ko kapag hindi ako nakakakain on time hahahahaha

46 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yung nanunuod si hubby ng video ng babae na sinasaktan yung asawa na lalaki tapos sabi nya "ganon din daw ako" tapos sabi nya joke lang daw. Grabe iyak ko nun kasi alam ko di naman ako ganon, nagulat sya nung nakita nya na sobrang iyak ko na di na ko makahinga. Nagsorry sya tapos bakit ko daw sineryoso yon eh joke lang daw yon tsaka ang layo ko naman daw dun sa nasa video. 🀣

Magbasa pa