Ano yung mga maliliit na bagay na iniyakan nyo habang buntis kayo?

Yung sakin, nalate ng bigay ng food yung asawa ko ng mga 2 hrs since nagising ako. Tapos gutom na gutom na ako. Hindi ako makakuha ng food ko kasi total bed rest ako noon. Tapos pagdating nung food umiyak ako habang kumakain kasi feeling ko kawawang kawawa ako. Pag naaalala ko ngayon natatawa na lang ako pero nangyayari pa din to hahaha hindi naman ako pinapabayaan ng asawa ko pero awang awa ako sa sarili ko kapag hindi ako nakakakain on time hahahahaha

46 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sakin oras palang nawawala mister ko at saglit na umuwi sa magulang nya hinalang hinala na ako at nagiiiyak Wahahahahha

ice cream in the middle of the night. 13hrs akong di namansin. after that I realize, sobrang babaw pala ng dahilan 😂

yung wala na siyang mahanap na halo-halo dahil 11pm na at umuulan ng malakas wala din mag-accept na delivery😁

ako nong time na mali ang nabili niya na food sa akin.. umiyak talaga ako... pag maalala ko natatawa ako😂😂

Nung hindi kinuha yung gusto kong pagkain sa ref hhahahaha. grabe atungal ko nun, kala mo aping~api

Eating alone at yung iniisip ko na nahihirapan ako pero naovercome ko naman lahat yon hehe

hindi pinayagan magday off si hubby😅 ewan ko bat iyak ako ng iyak apaka oa hahahahhaa

judgement kasi di ako sanay so now maraming changes naiiyak ako pag pinapansin ng sobra

VIP Member

kapag nagkakatampuhan kami ni hubby, kahit maliit na bagay lang nagiging emotional ako

Lack of attention from mister, kaya yun kamukhang kamukha nya yung baby namin 😅