FINANCIAL PROBLEMS
Yung partner ko, hindi siya madamot. Marunong naman siya magpawala pero sure na babawi kapag meron na. Ganto kasi yung situation. Nakabukod na siya ng apartment since nagkakilala kami. Magkahiwalay yung parents niya and both umaasa sa kanya kahit may napagkukuhanan naman sila ng sarili nilang income. Wala naman problema sakin kung mag aabot si LIP sa kanila, ang akin lang, kakamustahin lang nila LIP ko kapag manghihingi ng pera at nasasaktan ako dun. Minsan ginagamitan pa siya ng sarcasm ng mama niya na, "Salamat sa 1.5K ha. Nakakahiya naman sayo." Umorder pa ng double door na ref through home credit at hindi aware partner ko na siya pala pagbabayarin ng mama niya. Last night naman tumawag papa niya through video call, lasing. Una nagtatanong kung may nakuha kami sa DOLE or maski SAP at ayaw maniwala na wala kaming nakuha sa kahit alin dyan. BPO kami both nagwowork. Lola's boy si LIP, ang ginawa ng papa niya while on video call, tinuruan ng papa niya yung lola niya na manghingi ng pera sa kanya. Pareho kaming hindi makapag WFH kasi data lang gamit namin at wala kaming laptop or PC. Ngayon iririsk ng LIP ko na pumasok na sa 16 knowing na pwede niyang mauwi yung virus dito sa apartment namin para lang may maipadala sa kanila. Nasasaktan ako at hindi natutuwa na ganun yung side niya sa kanya. Hindi naman sa masama ako pero hindi rin ako natutuwa na hindi niya pinapawalaan side niya kahit kinakapos na kami. Ni kahit isang gamit ni baby wala pa kaming nabibili, going 5 months na tyan ko. Maski nga bed frame namin o cabinet para sa mga damit ko hindi pa rin kami nakakabili. Alam ko na responsibilidad natin tulungan parents natin, pero sa side ko, (since 17 ako nagwowork na ako to provide for them) aware sila na preggy ako at alam nila gaano kahirap situation ngayon, alam nilang hindi na ako madalas makakapagsustento sa kanila dahil may sariling pamilya na ako. Hindi ko kinakausap partner ko regarding this. Both pera namin siya humahawak, pati ATM ko nasa kanya. Ayaw ko kasi talaga ng usaping pera. Ayoko ng nagtatalo when it comes to it. Pero di pala talaga maiiwasan na maapektuhan ka especially kung para sa future ng baby mo yung iniisip mo. Any advise mommies? ☹️
Mom of chubby bunny