Random topic

Help naman mga sis May lip at baby na ako pero nakatira pa rin kami sa parents ko. Ang problema pa hindi man lang kami makapag abot dahil lagi kaming kinakapos. Factory worker ang work ko at on call lang sa pagmamaneho ang lip ko. Madalas walang tawag minsan mayron Lagi naming problema ng parents ko ang pera dahil kumbaga nagiging pabigat lang kami. Bungangera pa naman ang nanay ko. Wala pa kaming privacy mag asawa. Pag nag aaway alam na agad ng buong pamilya. Lagi rin kaming pinangungunahan sa anak namin Advice naman kung anong dapat kong gawin salamat #advicepls

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello! Ganyan din po kami ng Partner ko. Sa Parents ko kami nakatira. Sa Chowking po nag wowork Partner ko then ako walang Work. Hindi din po kami nakakapag bigay sa Parents ko then minsan nangungutang pa kami sa kanila kasi lagi Kinakapos sa Budget pero pag once na sumahod naman si Partner ko, Pay kami agad ng utang sa Parents ko. I don't know pero kasi yung Parents ko, Mabait, Maintindihin & Hindi mga nangingialam samin. I don't know pero masasabi kong Swerte ako sa Parents ko. Pregnant po ako 33 Weeks. Yung Father ko po sasagot sa panganganak ko & yung Sister nya po(Tita ko). Pero yung ipangbabayad ng Tita ko po, Babayadan ng Partner ko paunti unti. Since 2 Months po nag Start ako magpa Check Up, yung Partner ko po Sumasagot naman dun, 2K+ Monthly inaabot ng Check Up ko then pati mga Laboratory & mga Gamit ng Baby yung Partner kopo gumagastos naman. Parang nag tutulungan nalang kami ganun

Magbasa pa
3y ago

Wow sis! Napakaswerte mo nga po! Kino-compare nga ng partner ko yung parents ko sa mother nya. Mabait daw yon at maunawain. Kaso matagal na syang wala eh. Hindi ko na rin sya na-meet. Siguro kung nabubuhay lang sya may tutulong at gagabay samin. May matatakbuhan sana kami

Kami din ng partner ko sa parents ko din kami nakatira, dalawa lang kasi kami mag kapatid kaya gusto ng parents ko na doon nalang. Anyway dapat pag hanapin mo si partner mo ng stable work, hindi pwede yung kung kelan lang my tawag doon lang magwwork. 12weeks ako nun nahired ako, ayoko kasi maging burden sa iba. Hindi kami pinapakielaman ng parents ko siguro kasi minamake sure namin na magbigay para sa bahay, kung hindi niyo kaya magbukod mag allocate kayo ng budget or kailangan niyo mag abot sa parents mo. Kawawa naman sila kung sila lahat sasagot.

Magbasa pa

mommy kung kaya nyo po bumukod, bukod na po kayo sobrang hirap po talaga na kasama ang parents/biyenan kase di po yan maiiwasan na makiaalam sila lalo na kapag nagaaway po kayo ng partner mo, mahalaga rin po ang privacry ng mag-asawa, kaya kami po ng partner ko bumukod ng bahay kase kasama namin mama at papa nya lagi sila nagaaway dahil nga po mahilig makiaalam mama nya. kung keri nyo po magbukod go na po sis.

Magbasa pa
3y ago

Paano sila makakabukod? Kung sa kanila nga na nakatira sila hindi sila makapag abot sa parents niya? Dapat yung hubby niya gumawa ng way magka stable job, hindi pwede yung kung kelan lang my tawag doon lang mag wwork.

TapFluencer

wala po talagang ibang solusyon kundi ang bumukod mommy kaya mahirap man dahil sa present situation nyo ay sikapin pa ring makapag-ipon.