1 MONTH AND 3 DAYS

yung nanay nitong LIP ko want na painomin baby ko na water na may asukal daw kaya natatakot akong umuwi sa kanila sa bulacan e tapos kapag pinapadede niya LO ko hindi elevated head naka flat lang kaya ang nangyayari sinusuka ni LO ko, tapos pati sa pagpapaligo ko sa LO ko nangingialam kesyo bakit daw tanghali na pinapaligoan ang bata kailangan 9-10am daw sobrang init kasi sa kanila wala silang aircon and such para guminhawa pakiramdam nitong baby ko tanghali ko nililiguan :’’’’’((((( ayaw ko naman kasi pagsabihan e nahihiya ako.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello po. Huwag niyo po talaga pagsabihan, kasi kahit anong maayos na way natin i-relay yung gusto natin, magiging dating sakanila ay tinuturuan sila or matigas ang ulo natin, ayaw makinig. Mas maigi kung LIP niyo po ang kumausap sa nanay niya. Dyan ka na lang muna sainyo kung talagang mas komportable ka dyan. Mahirap kasi kapag hindi natin magawa gusto natin dahil sa iba na mas gusto sila nasusunod, hindi ka makakakilos ng maayos. Yung pagkatakot mo umuwi sakanila, feeling ko mauuwi yan sa anxiety. Hindi ka lang responsible sa anak mo. Responsible ka rin sa well being mo. Dyan ka na muna sainyo.

Magbasa pa