Depressed stress

Yung feeling na ang lungkot². I'm 34 weeks preggy, pero stres na stress ako. Yung feeling na hindi kayo nagkakaintindihan ng partner mo, yung gusto mo lang naman sana intindihin ka pero wa eh. Nakakastress na. Minsan naiisip ko magpakamatay nalang, pero okay lang sana kung ako lang at walang nadadamay pero may baby eh. Ayoko naman na idamay sya sa kalokohan na naiisip ko. Pero di ko talaga maalis sa isip ko ang mawala nalang sana sa mundo. 😭😭Gusto ko lang mailabas hinanakit ko dito, kesa sa fb daming marites. 🥺🥺 #stressedout

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

magpray ka sis. naiintindihan ko yang nararamdaman mo. when i was pregnat to my first baby ko now lagi akong umiiyak dhil madalas kaming nag aaway ng partner ko. problema sa financial tapos sumabay pa yung insomnia ko na tlgang hirap ako makatulog sa gabi to the point na kung ano ano na lng ang pumapasok sa isip ko. dagdagan pa yung mga masasakit na salita na maririnig mo even sa sarili mong family na malas daw yung batang pinagbubuntis ko na kesyo ipalaglag na lng daw kc wala daw akong maipapakain pag lumabas na c baby. nagbibigay nman yun partner ko pro yun nga lang tama lng tlga pang prenatal ko buwan buwan mnsan nga kulang pa at may kasama pa yung reklamo bago magbigay. one time gustong gusto kong kumain ng manga. yun hinog na mangga. ewan ko ba basta takam na takam ako nun. napahagulhol na lng ako ng iyak habang nagdadasal. para akong bata na naglabas ng hinanakit nun kay Lord na gusto kong kumain ng manga kaso wala akong pera pambili. sa sobrang stressed ko, yun tummy ko ang pinagbubuntungan ko ng galit ko mnsan nasabi ko pa nun na.. bahala kana kung kakapit ka o ndi. at mnsan napapaisip ako na ano kaya kung magpasagasa na lng ako sa high way.. lhat ng negative thoughts pumasok sa isip ko but everytime na mararamdaman ko yun galaw nya sa loob ng tummy ko..umiiyak tlga ako kc parang pinaparating nya sa akin na gusto nya mabuhay. na ndi ako nagiisa. na laban lang. na lakasan ko lang ang puso ko at higit sa lhat magdasal. nagdadasal ako at nagbabasa ako ng bible pag nakakaramdam na ako ng matinding lungkot..inis at takot at praise God!! lhat ng yun napagtagumpayan ko. khit sakitin ako nung pinagbubuntis ko pa c baby.. awa ng Diyos healthy at ok nman ang baby ko nung lumabas. at yun ate ko na nagsabi na malas c baby, na ipalaglag ko na lng daw, nung nalaman nya na baby girl yun dinadala ko nagbago isip nya. lalo na nung nakita na c baby tuwang tuwa sya. ang problema ndi nawawala yan sa buhay ntin pro lagi din natin tatandaan na walang permamenting bagay dtu sa mundo..lhat nagbabago at lilipas. mag pray ka.. yun ang kailangan mo. masarap sa pakiramdam na iniiyak mo sknya yun mga problema mo..yun mga nararamdaman mo. at gawin mo rin libangan ang pagbabasa ng bible.. doon pa lng makakasumpong kana ng kalakasan..😊

Magbasa pa

32 weeks preggy din ako.. ganyan ma ganyan ako depressed na ilang araw sa dami kasi ng problema namin ng partner ko ngayon especially financial .. ung two years old son ko na kasama ko ngayon sya minsan napapalo at napapagalitan ko kapag inaatake ako mga alalahanin sa isip ko.. wala ako ibang mapagsabihan kasi malayo mga kapatid ko sakin.. umuupa lang kami mag asawa dito sa manila lahat ng sahod nya napupunta sa bayarin minsan kulang pa.. tapus nakaraan kinausap ako may ari ng bahay na saan daw ba ako kapag nakapanganak na kasi ayaw nya daw madaming bata sa inuupahan namin.. un lalo ang nagpadagdag sa isipin ko.. parang wala kaming ibang matakbuhan at mahingian ng tulong kundi kaming mag asawa lang.. gabi gabi umiiyak ako nagdarasal at sinasabi kay Lord pagod na pagod na ko sa lahat ng to.. bahala na kung saan kami mapadpad..

Magbasa pa

Isa rin ako sa mga silent reader dito gusto ko lang mag post para sa ibang mommy na kinakabahan din manganak. Feb 21 po ako nanganak ng twins ko via CS pang 3rd ko silang pinagbuntis pero first time ako ma Cs. Halos araw araw nung buntis ako madami akong negative din na naisip lalo na nung malaman ko mababa dugo ko baka salinan ako or wat. Pero lage lang ako nag pray at grabe yung power nya the best si lord promise 💖 Nanganak ako nung monday lang feb 21, na discharge agad kmi after 3days kasi walang problema sa twins ko at sakin. Thanks god nakaraos kmi ng safe at healthy. Thank you din sa apps nato sobrnag nakatulong din sakin to. God bless sa lahat ng mommy kaya nyo din yan 💖

Magbasa pa
Post reply image

naku sis wag mong pinagpapapansin yung partner mo.dedma na lang kaysa mastress.ako nga nililibang ko na lang sarili ko sa paglalaba at sa ibang gawaing bahay.tapos nood2 lang ng tulfo o live selling.yung partner ko tanghali na gumising.tapos matapos makapananghalian aalis yun.buti sana kung nagwork.uuwi yun gabing-gabi na minsan pa nga madaling araw tapos naka inom.dedma ko na lang kaysa mastress.ako pa din gumagawa sa lahat ng gawaing bahay eh parehas lang naman kaming walang work.pang 3rd baby ko na 'to at mag8months pregnant na ko pero di pa ko nakapagpacheck up.pero im okay.ayaw ko talaga ng stress.

Magbasa pa
3y ago

Don't forget your babys health po pa check up ka po. ako po hiniwalayan ko na asawa ko for good ng baby at peace of mind ko first bby plng to nmin kahit ano kaka explain sa kanya dedma talaga inuuna yung emotion nya at pride maki kita ko sa kanya ngayon na wala syang pake sakin pero nag bibigay namn pera para sa baby di nag hahabol e di nag hihinayang sa relasyon nnmin parang gsuto nya na din maki pag hiwalay

Hindi tlga lahat maswerte sa Asawa madalas tlga walang paki alam at walang concern mga yan lahi g pilipinong lalaki ganyan tlga kaya nga maraming nagiging single mom dito sa pinas ei kasi karamihan Ng lalaki dito walang bayag😂 Hindi Ka nag iisa kaya wag Ka Ng malungkot😂tatagan mo Ang sarili mo dumeskarte Ka para sa sarili mo at anak mo para di nakadepende sa Asawa mong walang bayag Ang bait mo ok..👌kapag strong women Ka di mo kailangan Ng lalaki

Magbasa pa

hnd ka naman nag iisa sis ... marami tayung nakakaramdam ng ganyan ... minsan kasi akala ng mga partner o asawa natin eh nag eemote lang tayu .. mas better sis pagusapan niong mag asawa kung ano man prob. para kahit papano maintindhan ka nia sis ... pray ka lang sis wag ka papatalo sa pumapasok sa isip mo isipin mo magiging anak mo sis

Magbasa pa

same tayo, mommy. ganyan din ako nung nag 30+weeks na ako, lagi ko gusto na lang mamatay lalo di ko maintindihan sarili ko at di ako maintindihan ng partner ko. maglibang libang ka nalang or try to talk to ur partner or someone na may baby na din kasi minsan gusto mo lang ng karamay, yung taong naiintindihan ka. take care always

Magbasa pa
VIP Member

Same po super hirap na ikaw lng mag isa kinakaya mo to na napa walang modo ng asawa mo puro sarili iniisip, sariling pagod nya sariling kasiyahan nya pero nde ma ka dama yung mga kinanglan mo na dapat team kayo kakampi kayo pag harap ng mga problema nakaka sad kse hindi ka nya ma intindihan

Wala na atang mas hihirap s kalagayan ko..pero wag mo iisipin in Ang mahalaga maging healthy ka at Ang baby mo ako iniisip ko na lng mkaraos at makapagsimula ulit Kasama Ang baby ko

pray k lng wagka mgpatalo sa stress..gawin mong inpirasyon anak mo pra mabuhay at magpatuloy na umasa na magiging maaus din lhat..kapit lng