Depressed stress

Yung feeling na ang lungkot². I'm 34 weeks preggy, pero stres na stress ako. Yung feeling na hindi kayo nagkakaintindihan ng partner mo, yung gusto mo lang naman sana intindihin ka pero wa eh. Nakakastress na. Minsan naiisip ko magpakamatay nalang, pero okay lang sana kung ako lang at walang nadadamay pero may baby eh. Ayoko naman na idamay sya sa kalokohan na naiisip ko. Pero di ko talaga maalis sa isip ko ang mawala nalang sana sa mundo. 😭😭Gusto ko lang mailabas hinanakit ko dito, kesa sa fb daming marites. 🥺🥺 #stressedout

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

magpray ka sis. naiintindihan ko yang nararamdaman mo. when i was pregnat to my first baby ko now lagi akong umiiyak dhil madalas kaming nag aaway ng partner ko. problema sa financial tapos sumabay pa yung insomnia ko na tlgang hirap ako makatulog sa gabi to the point na kung ano ano na lng ang pumapasok sa isip ko. dagdagan pa yung mga masasakit na salita na maririnig mo even sa sarili mong family na malas daw yung batang pinagbubuntis ko na kesyo ipalaglag na lng daw kc wala daw akong maipapakain pag lumabas na c baby. nagbibigay nman yun partner ko pro yun nga lang tama lng tlga pang prenatal ko buwan buwan mnsan nga kulang pa at may kasama pa yung reklamo bago magbigay. one time gustong gusto kong kumain ng manga. yun hinog na mangga. ewan ko ba basta takam na takam ako nun. napahagulhol na lng ako ng iyak habang nagdadasal. para akong bata na naglabas ng hinanakit nun kay Lord na gusto kong kumain ng manga kaso wala akong pera pambili. sa sobrang stressed ko, yun tummy ko ang pinagbubuntungan ko ng galit ko mnsan nasabi ko pa nun na.. bahala kana kung kakapit ka o ndi. at mnsan napapaisip ako na ano kaya kung magpasagasa na lng ako sa high way.. lhat ng negative thoughts pumasok sa isip ko but everytime na mararamdaman ko yun galaw nya sa loob ng tummy ko..umiiyak tlga ako kc parang pinaparating nya sa akin na gusto nya mabuhay. na ndi ako nagiisa. na laban lang. na lakasan ko lang ang puso ko at higit sa lhat magdasal. nagdadasal ako at nagbabasa ako ng bible pag nakakaramdam na ako ng matinding lungkot..inis at takot at praise God!! lhat ng yun napagtagumpayan ko. khit sakitin ako nung pinagbubuntis ko pa c baby.. awa ng Diyos healthy at ok nman ang baby ko nung lumabas. at yun ate ko na nagsabi na malas c baby, na ipalaglag ko na lng daw, nung nalaman nya na baby girl yun dinadala ko nagbago isip nya. lalo na nung nakita na c baby tuwang tuwa sya. ang problema ndi nawawala yan sa buhay ntin pro lagi din natin tatandaan na walang permamenting bagay dtu sa mundo..lhat nagbabago at lilipas. mag pray ka.. yun ang kailangan mo. masarap sa pakiramdam na iniiyak mo sknya yun mga problema mo..yun mga nararamdaman mo. at gawin mo rin libangan ang pagbabasa ng bible.. doon pa lng makakasumpong kana ng kalakasan..😊

Magbasa pa