i had the same concern sa 2nd born ko. i started to worry nung 1 yo pa lang sia. hindi ko maiwasan na icompare sia sa 1st born ko. hindi lumilingon kapag tinatawag. kaya una kong tinuro ano ang name nia. eventually, kapag tinatawag namin sia na nakatago kami, lumilingon sia then hinahanap nia kung sino ang tumawag sa kanya. so nawala na ang worry ko. i did speech therapy din sa kanya dahil konti lang ang words na alam nia. eventually, marami na siang words na alam. pagdating ng 2 yo, sabi ng pedia ay dapat ay nakakasentence or phrase na sia. so nagworry nanaman ako dahil more on 1 word lang sia. i also got worried ung sa echolalia nia kapag phrases ang iniimik. so, we decided to enroll sia sa playschool ng therapy center at 2yo. i asked if need ba nia ng therapy. they will assess while in playschool if need ba talaga, kasi clear naman daw ang words nia. baka need lang ng anak ko to improve her socialization. then, tinuruan nila kami kung pano namin turuan ang bata sa pagsalita in phrases and sentences, and maiwasan ang echolalia. 1 year na sia sa playschool ngaun. she's communicating na with us. shes talking in sentences na. hindi nia need ng therapy. thank God. some said na baka delayed lang dahil may mga bata na nakakapagsalita starting 3-4 years old. pero for me, ayokong hintayin un dahil iba-iba nga naman ang mga bata. baka hindi mangyari un at baka mahirapan na sia sa development kaya we decided for early intervention of our child. by God's grace, clear ang sentences nia by 3yo. continue to teach your child while having fun. ganyan namin sia turuan sa bahay para makuha ang attention nia.
mommy, ang anak ko ay 2 years old and 6 months na. phrases lang ang kaya. number 1 to 3 lang din ang mabigkas... may words na pero ung common lang. may social interaction with others pero di lang honed ang speech pa. at first, worried ako lalo na icompare sa ibang bata na ka age niya pero ngaun di na... matagal lang ang development ng speech pero naman papaunta na siya dun... ang iba pa nga, around 4 y.o pa talaga makasentence
normal lang po na malikot ang mga babies Pag dating ng 2 years old,ung panganay ko around 4 years old na siya nung naka buo sya ng sentence sa awa ng dyos 11 years old na siya at honor student,iba iba po talaga ang mga bata by stages basta always pray and don't be negative mga Mii ❤️