Team August🥰❤️🤰🏻

Yung araw (december 12,2020)nalaman ko na POSITIVE ako. Na di ko pa alam nag out of town pa ako. Kau mga mamshie kelan nyo nalaman na pregnant kau?😍🙏🏻😇 #teamAugust #First_Baby

Team August🥰❤️🤰🏻
21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

January 19 ,2021 , nag positive ako sa PT pero medyo malabo pa . And that was the time na pabalik na asawa ko sa ibang bansa :( nakakalungkot. Diko sana sasabihin pa sa kanya dahil ayoko mahirapan sya sa pag alis since first baby namin at 1 year sya mawawala. Nakakalungkot pero kinaya nalang . After nya makarating sa ibang bansa , saka ako nagpa TVS para masure kung preggy ba tlga ako at masabi ko sa kanya officially atleast nasa ibang bansa na sya di na masyado mabigat sa kanya. So yun nga positive nga talaga . Nagpapacheck up ako ng walang asawa kasama pero supportive naman sya and very thoughtful kahit nasa malayo. Ngayon malapit na kabuwanan ko at malapit na din sa makauwi 😁 sayang lng at medyo malaki na si baby boy namin pag uwi nya this December 🥰

Magbasa pa

Nalaman ko 4 Months na pala akong Preggy . Akala ko Bukol yung nakakapa ko sa puson ko na matigas . saka masakit sya pag pinindot o kaya masagi . netong April kaya sbe ko pa checkup nko . pag trans v skin Buntis daw ako malaki na daw yun pala 16 weeks and 3 days na . Grabe sobrang saya ko . kala ko ksi dna ako mag kaka baby ulit eh . saka wala ako nraramdaman di ako nag lihi o nag suka prang normal lng talaga . Yung Hndi ako dinatnan akala ko bumabalik yung date . Sobrang taba ko 86 Kilos ako kaya diet ako pra mag normal mens ko ksi 3 Months mnsan di talaga ako dinadatnan eh . tapos ayun naging 59 Kilos ako 😊 kaya nung di ako dinatnan ng january dko na pinansin eh . Preggy na pala ako non .

Magbasa pa
3y ago

Thank God kaya natin to mamshie❤️🙏🏻 ako nga may isa na naman nag papa stress sakin hindi ko mapigilan na di mag isip kasi late na ako na pa lab ni OB ng thyroid test and nakita ko sa result may hypothyroidism daw ako🤦🏼‍♀️ e sa saturday pa ako babalik kay OB for follow up sabay IE na. E pag mag search ako nalabas na may effect daw kay baby pag hypothyroidism lalo na di naman ako nag gamutan. Kahit sa lahat ng UTZ ko normal naman sya. Auko mag isip ng mag isip pero di maiwasan basta binibigay ko na lahat kay Lord alam naman nya na simulat sapul palang un na hiling namin sa knya na maging healthy lang si baby ok na ok na kami mag asawa

Hi momshie😍 5months na nung naconfirm ko thru transv na pregnant nga ako kasi nagpt ako ng ilang beses pero negative talaga. akala ko dahil lang sa stress kaya hindi pa rin ako nagkakaron. kung saan saan pa ako nakakarating nun, byahe dito byahe doon tapos hindi naman lumalaki tyan ko😅 Oct last period ko, spotting by Nov and March ko pa naconfirm😂. Pagcheck ng ob nilagyan ako ng mataas na unan sa likod while nakahiga ako and BOOM biglang laki ng tyan ko🤣. Full term na tayo momsh and kakauwi ko lang galing nagpaswab. Goodluck sa atin. May God guide us sa nalalapit nating laban💪🙏😇🥰

Magbasa pa
3y ago

Wow galing! Para sau talaga si baby❤️🥰 yes ako din mamshie 37weeks na din ako. Kaya natin to konting kembot na lang❤️🙏🏻

VIP Member

Last mens ko november nadelay ako ng 1month pero di ko pinansin kasi nangyayari talaga sya sakin so ayun tuloy ang life pasok sa work tagtag sa byahe kaso sa field ako naka-assign and then magkakalagitnaan na ng february napansin ko na di pa din ako dinadatnan and some of my workmates nagsasabi na buntis daw ako so after work bumili ako ng pt at ginamit ko kaagad kinagabihan i was surprised ng makita ko ang 2lines sa pt . February 11(pt) February15(TransV) 😊 now i'm 7months pregnant ❤️

Magbasa pa
3y ago

thank you momsh sayo din keep safe always 😊😊

VIP Member

Thank u po sa mga nag comment actually tagal ko na po tong post kaya nagulat ako pag check ko ngaun dami comment🥰❤️ ngaun po full term na ako wait nalang makita si baby and maksama❤️🥰🙏🏻 after 8yrs of waiting konting konti nalang magiging real Mom na ako🥰❤️God bless satin mga team July-August🙏🏻❤️ kaya natin to!💪🏻

Magbasa pa

3mons na si baby nung nalaman ko.naging sign ko lang kasi is delayed menstruation e regular naman ako. mejo bloated din feeling pero nd ko pinansin kasi sabi ko saja namang malaki tyan ko. tapos ayun nagpacheck up ako. nung nalaman ko pregnant ako. nd ko alam mararamdaman ko kasi that time nd kami okay ng bf ko. hehe

Magbasa pa
3y ago

Amen! Keep safe mamshie and baby! God bless ur family as well🙏🏻❤️

December 26! 3 days before our wedding. ❤😅 It's unexpected because we're not planning about it yet. Besides, my first baby died kaya hindi ko aakalaing ibe-bless agad kami pagkatapos ng pain. Thanked God, my baby is healthy and normal na. Hope he's always okay. Please pray for us, mamsh.

december 5,2020 nung nagpt ako then kinabukasan is may birthday tapos december 7,2020 nagpunta agad kami nagpaultrsound to confirm and im 6 weeks and 6days that time. nov 29 nagmotor pa kami ni hubby pumunta nagrides. and now im just waiting for our baby girl to arrive 😍❤️

3y ago

Hala mamshie Rizah buti nalang talaga🙏🏻❤️

nung birthday ko. ☺️ april 16. buti nga naalala ko na nag order ako sa shopee mg menstrual cup the previous month kasi nung nadeliver yun ay second day ng menstruation ko. narealize ko nalang nung birthday ko na 2 weeks delayed na pala ako pagcheck ko sa shopee 😁

3y ago

🥰🥰🥰 pa bday daw sau si baby mamshie❤️

VIP Member

Team August din ako. Christmas Eve and Christmas Day nag soju at sanmig apple pa kami ni hubby.. Tapos 26 nilagnat ako, iba talaga un feeling ko.. Kaya 27 Dec. Nag pt ako and turned out positive. This is my 4th baby. Had blighted ovum last Nov. 2019.

3y ago

Tama mamshie alam ko di tau papahirapan ng mga baby natin sabayan lang din prayer❤️🙏🏻